Advertisers
ITO ang ipinagsisigawan, ipinagyayabang ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa campaign rally ng Hugpong sa Tawong Lungsod (HTLP) sa Barangay Before Oshiro Gym, Davao City nitong Lunes, April 21.
Binanggit din ni Baste ang pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang ama, si dating Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.
“There’s nothing wrong if it’s just politics, but when they kidnap people, they’ll prepare a plane, they’ll board it then it’s not in the exact process, they’ll send it to another place, that’s a different story,” sigaw niya.
Ang kanyang ama ay kasalukuyang nakakulong sa ICC detention facility sa The Hague, Netherlands habang naghihintay sa ‘confirmation of charges’ hearing na gaganapin sa September 23, 2025.
Si Digong ay nahaharap sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng madugong ‘war on drugs’ na ipinatupad ng kanyang administrasyon (2016 – 2022) kungsaan marami ang pinatay, higit daw 30,000, kasama na rito ang mga pinaslang ng kontrobersiyal na Davao Death Squad (DDS) noong alkalde pa siya ng Davao City.
Inaresto si Digong ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang International Police noong Marso 11, 2025 pagbaba niya ng eroplano mula Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kungsaan kaagad siyang inilipad kinagabihan sa The Hague.
Ayon sa ICC lawyers, tatagal ng hanggang siyam na taon ang pagdinig sa kasong ito ni Digong, at kapag nahatulan ng gulty ay makukulong ng hanggang 40 years. Sa kanyang edad ngayon na 80 anyos, masuwerte nang makauwi o maiuwi siya ng buhay.
Ang nagkaso kay Digong sa ICC ay ang pinag-initan niyang si dating Senador Antonio Trillanes, isang dating Navy officer na nakulong ng halos pitong taon nang nagrebelde laban sa korapsyon ng nakaraang Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) administration.
Si Trilanes din ang pangunahing rason ng pagkakulong noon ni GMA matapos ang termino nito noong 2010.
Hanep itong Trillanes noh? Dalawang presidente na ang kanyang napakulong. Hehehe…
Hindi lamang ito, si Trillanes din ang isa sa mga rason kaya bumagsak si dating Vice President “Jojo” Binay nang e-expose niya ang mga katiwalian ng Binay sa Makati City.
Anyway, balikan natin ang tirada ni Baste na wala pa raw makakatalo kay Duterte. Hmmm… noon yun, hindi na ngayon. Opo! Nakakulong na ang kanyang ama, at malamang na makulong din ang kanyang sister na si Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Si Sara ay nahaharap ngayon sa impeachment case sa Senado at marami pang kaso ng katiwalian. Kasama rin siya sa mga iniimbestigahan ng ICC.
Ang isa pang kapatid ni Baste na si Congressman “Polong” ay may mga kinakaharap ding kaso ng katiwalian kaugnay ng drug smugling at paglustay ng P50 billion sa kanyang unang termino bilang kongresista (2022-2025). Si Trillanes din ang nagsampa ng kaso laban kay Polong.
Kaya hindi totoo na hindi pa ipinanganak ang tatalo kay Duterte, nandiyan na si Trillanes na nagpakulong kay Digong at malamang pati kay Polong. Mismo!
***
18 days nalang eleksyon na!, Mayo 12. Ito ang petsang itinakda ng ating Saligang Batas para palitan ang mga bugok na naihalal sa nakaraang eleksyon.
Ito ang kapang kapangyarihan nating mamamayan. Kaya maghalal ng tama. God bless sa ating lahat…