Advertisers
Mabilis umugong at kumakalat ang isang video sa Makati kung saan tila nagmamakaawa si outgoing Makati Mayor at Senatorial candidate Abby Binay kahapon.
Madidinig sa video si Mayor Abby na nakikiusap na “kahit huwag na siya iboto basta iboto lang nila ang Team United” kung saan tumatakbo bilang Mayor sa Makati ang asawa nito na si Luis Campos laban sa kapatid na si Nancy Binay.
Ayon sa ilang netizens at political analysis, parang ito ay desperate move ni Mayor Abby dahil malaki ang depresensya o agwat ng kapatid na si Nancy Binay sa asawa nito na si Campos.
Napabalita na sa survey sa Makati Mayoralty race ay nanatili sa malaking agwat si Nancy Binay kontra kay Campos na di baba sa 60 porsyento.