Advertisers
TAHASANG inamin ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang pag-endorso sa mga senatorial candidates ng Partido ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay dahil na rin sa pagkakaaresto at pagkadetene ng dating pangulo sa The Hague, Netherlands.
Aminado ang bise na dati ay wala siyang plano na mag-endorso ng sinumang kandidato ngayong halalan.
Sinabi ni VP Sara, personal rin na humingi ng tulong sa kanya ang kanyang ama na i-endorso ang mga senatorial bets sa ilalim ng kanyang partido na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Paliwanag pa ng opisyal na nagkaroon ito ng hindi magandang karanasan sa pag-eendorso ng mga kandidato noong nakalipas na halalan.
Bagama’t hindi na pinangalanan ng bise kung sino ang kanyang tinutukoy ay maaalalang isa si PBBM sa kanyang inendorso noong 2022 election sa ilalim ng kanilang UNITEAM tandem.
Si FPRRD na ama ni VP Sara ay kasalukuyang naka detain sa The Hague para sa kasong crimes against humanity.
Kinumpirma rin nito na hindi hiningi ng dating Pangulo sa kanya na i-endorso si Senator Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar sa pagka senador.