Advertisers

Advertisers

Serbisyong Isko, alaws logtu, babalik na, darating na!

0 8

Advertisers

Itinakda na, hindi na mapipigilan pa: Mangyayari ang nais ng Manilenyo, ito ay maibalik ang totoong serbisyo.

Wala nang duda pa: isang malaking tagumpay ang mangyayari sa Mayo 12 — tulad ng itinakda na ng maraming survey, lahat mula sa OCTA Research, Pulse Asia, Social Weather Station, at maging ang Kalye Survey, nangingibabaw si Yorme Isko.

Ang pulso at puso ng Manilenyo tumitibok sa sigla sa pagbabalik ni former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at may bonus pang magaling na vice mayor Chi-Chi Atienza kasama ang buong Konseho.



Upang maging matagumpay ang pagbabalik ng Bilis-Aksyong paglilingkod sa Manilenyo, ang hiling ni Yorme Isko, lahat ng kandidato ng Yorme’s Choice ay isulat sa balota sa Mayo 12.

Eto ang patotoo sa malakas na pagbabalik ni Yorme ay ang huling Tangere mayoral survey na itinatak ang 51% suporta sa kanya ng mga botante ng Maynila.

Nito lang Abril 19-20 ginawa ang survey sa 1,500 respondents, ay sinabi, si Yorme Isko ang mananalo, at si Ate ng Cityhall, 37% lamang ang nakubra, ito ay sa kabila na siya ang nasa poder, siya ang may badyet at kumikilos ang lahat ng opisina, ahensiya ng gobyerno ng Maynila.

Yung isang bagitong binuhusan ng kalahating bilyong piso na suporta ni Speaker Martin Romualdes — ayon sa trending na video ni Sam Verzosa, nakasimot naman siya ng 10%.

Kawawa naman siya at ang iba pang kandidatong mayor na lagapak ang grado.



Hindi na nakapagtataka na mas gusto ng mga Batang Maynila voters si Isko, sabi ng Tangere and Acquisition Apps, Inc.

Eto ang banggit: “Political analysts believe his popularity stems from his earlier tenure as mayor, during which he earned praise for infrastructure projects and urban cleanup initiatives.”

Ang masakit, ang iniwang mabango, malinis at epektibong gobyerno na nadarama ng Manilenyo ay nawala, batay na rin sa mga narinig, idinaing at inireklamo kay Isko noong unang magtanong siya kung dapat ba na hindi siya bumalik sa Maynila.

Nakita naman ng publiko, naging dugyot ang Maynila, at ang mga serbisyong nararamdaman at nagbibigay ginhawa ay nawala.

Kaya tumalab sa sentido kumon ng Manila voters ang campaign slogan ni Yorme Isko, at ito iyon: “Yorme Isko, Balik Serbisyo.”

Sabi ng mga political observer, kumbaga sa taong nauuhaw, nang malaman ng mga botante na babalik uli sa cityhall si Isko, siya ay parang malamig na malinis at sariwang tubig na titighaw sa pagkauhaw.

Nais ng mga botante na maibalik ang epektibo, episyente, maasahan at mapagkalingang serbisyo na naranasan noong panahon ng pandemya, at ang naramdamang lingap noong panahon na walang trabaho at kaligtasan sa banta ng pagkagutom.

Sabi ng Tangere, kaya mas pabor na ibalik si Yorme kasi, nakita na parang tumigil ang pag-unlad ng Maynila sa panahon ni Ate sa Cityhall.

Eto ang sabi: “Meanwhile, Lacuna faced the challenge of defending her record amid criticisms of slowing momentum in some of Moreno’s flagship programs.”

At ang bagito, eto ang sabi ng Tangere: “Verzosa, a newcomer in local politics, has yet to make significant headway despite his national profile.”

Kapwa hindi nagmarka sa puso at isip ng Manilenyo ang ginawang gimik, pabida at pambibira ng dalawa laban kay Yorme Isko.

Kasi nga, ang naitayong Pabahay, mahusay na kilos sa Edukasyon, di malilimutang health and social services, at ang kapanatagan sa kalsada at sa bahay ng Manilenyo ay magandang serbisyong tumatak sa mga botante ng lungsod.

Hindi lang nagpabaya si Ate ng Cityhall, pati ang mga kasama niya, mga pinagkatiwalaan, hindi na nagserbisyo, nagbigay pa ng perwisyo.

E, ayaw na ng Manilenyo sa amoy ihi at amoy ebak na kapaligiran, kaya nga, sa unang araw ni Yorme, todong paglilinis ang gagawin ng Yorme’s Choice.

Yung nagkalat na tolongges sa loob at labas ng Cityhall, “Atin pong kakaliwitin,” sabi ni Isko, at tuwing babanggitin niya ito., ang dagundong palakpakan at sigaw na “Babalik na si Yorme!” ay pumupuno sa kanilang political rally.

Mawala na ang perwisyo sa Cityhall.

Babalik na uli ang Serbisyong Isko.

Babalik na ang matinong gobyerno.

Babalik na ang panatag at makunsuwelo at mapagkalingang serbisyo.

Upang mangyari ito, muli ang pakiusap ni Yorme Isko, itodo na ang pagboto: walang iiwan kahit isa sa mga kandidato ng Yorme’s Choice.

Upang maibalik na ang matinong “Balik Serbisyong Isko!”

Sa Mayo 12, mangyayari ito!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.