Advertisers

Advertisers

Sanya inamin, nagsinungaling na sa press

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA first day ng public viewing sa Heritage Park in Taguig City, para kay Nora Aunor, emosyonal na humarap sa ilang reporters si Lotlot de Leon at sinabing, “We’re grateful to everyone for loving her, for honoring her.

“Actually lahat po ng nagpapadala ng condolences, greetings, we really appreciate that. Sa kanila rin po kami kumukuha ng lakas, kaming magkakapatid,”



Grateful din daw ang kanyang pamilya dahil naipagluksa nila nang mabuti ang kanilang ina bago pa ito maging bukas sa publiko nitong Sabado, April 19.

“Gaya nga po ng sinabi ko itong mga oras na ‘to is the only time na sa amin ang mommy namin. All her life she’s devoted to the public, to her work. Sabi naming magkakapatid, kahit ilang araw lang sa amin lang siya,” sey pa niya.

***

DAHIL ang title ng latest movie ni Sanya Lopez ay Samahan ng mga Makasalanan, kaya naman natanong siya sa isa niyang interview kung may nagawa na rin siyang kasalanan.

Ayon sa aktres, meron na rin daw in the past. Wala naman daw kasing perpekto . Lahat naman daw tayo ay nagkakasala o nakakagawa ng kasalanan.



Isa nga raw sa mga nagawa niyang kasalanan ay ang magsinungaling sa ilang interviews niya sa mga miyembro ng press.

“Oo. Well, there are times na kailangan. It’s a white lie,” rebelasyon ni Sanya.

Pero mariin naman niyang dinenay na may naging dyowa siya noon na itinago niya sa publiko, “Ay, hindi, wala. Pero hindi niyo alam kung sino ‘yung mga nanligaw.”

Ni-reveal din niya na may pagkakataon na gusto raw niyang mang-block ng kapwa niya artista sa social media lalo na ‘yung mga toxic.

“Kapag attitude sa akin ‘yung tao, mute lang. Kasi pag block, alam na niya, eh,” sabi ni Sanya na wala namang binanggit kung sino ang mga celebrity na naka-mute sa kanya.

“Kapag naka-mute ang isang account, hindi mo makikita ang mga post ng isang pina-follow o follower mo pero maaari pa rin mag-interact ang inyong accounts.

“Pero kapag block, totally hindi na pwedeng makipag-interact sa iyo ang account na ito.”aniya pa.