Advertisers
TINULDUKAN ng Detroit Pistons ang kanilang NBA-rekord 15-game playoff losing streak sa iskor na 100-94 wagi laban sa New York Knicks Lunes ng gabi (Martes sa Manila) para ipantay ang kanilang Eastern Conference first-round series sa tig-isang laro.
Cade Cunningham umiskor ng 33 points at humatak ng 12 rebounds,at Dennis Schroder nagdagdag ng 20 points off the bench — kabilang ang go-ahead 3-pointer sa 55.7 segundo nalalabi.
Nakapasok ang Pistons sa playoff sa unang pagkakataon mula 2019, nakamit ang kanilang unang playoff victory sa Game 4 ng 2008 Eastern Conference finals laban sa Boston Celtics.
New York star Jalen Brunson umiskor ng 14 sa kanyang 37 pointssa fourth at pinasahan si Josh Hart para sa dunk na nagtabla sa 94-94 na may 1.15 sa laro.
Tobias Harris umiskor ng 15 points at humatak ng 13 rebounds at Duren may 12 points at 13 boards.
Mikal Bridges nagdagdag ng 19 para sa Knicks habang si Karl-Anthony Towns at OG Anunoby nag-ambag ng tig-10.
“We did what we were supposed to do. And that was it,” Wika ni Pistons coach J.B. Bickerstaff, na ang kanyang team ang host ng game three sa Huwebes. “To win a game on the road, to get home court was what we came here for.