Advertisers

Advertisers

Modernong mga daungan ng bansa muling pinagtibay ni PBBM

0 3

Advertisers

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang pangako ng kanyang administrasyon na gawing moderno ang mga daungan ng bansa upang pasiglahin ang paglago ng ekonomiya at turismo ng rehiyon.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa pangunguna niya sa inagurasyon ng pinalawak na Balingoan Port sa Misamis Oriental.

Ang Balingoan Port ay nagtatampok na ngayon ng isang bagong itinayong dalawang palapag na Port Operations Building na may 500-seating capacity at upgraded amenities na naglalayong mapabuti ang karanasan ng mga pasahero. Kasama sa pasilidad ang mga modernong lounge, playroom ng mga bata, banyo, ticketing counter, at commercial concession areas.



Ang backup area ng port ay pinalawak din ng 10,832 square meters upang suportahan ang mas mataas na paghawak ng kargamento, imbakan, at mga operasyong logistik.

Ang pagpapalawak ay inaasahang mapapahusay ang kapasidad ng daungan upang mapaunlakan ang tumataas na trapiko at mas mataas na dami ng mga kalakal.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Marcos ang estratehikong halaga ng pag-upgrade ng Balingoan Port para sa pag-unlad ng rehiyon.
“Sa pagsasaayos natin sa mga ito, asahan natin na lalakas ang turismo, bubuhos ang negosyo, lalago ang ekonomiya, at higit sa lahat, mas gaganda ang kabuhayan ng mga taga Misamis Oriental

With the improvement of this facility, we can expect stronger tourism, increase business activity, a growing economy, and above all, a better quality of life for the people of Misamis Oriental,” sabi pa niya

Sinabi ni Marcos na ang Balingoan Port project ay bahagi ng mas malawak na pambansang pagsisikap na gawing moderno ang mga daungan sa buong kapuluan.



Binanggit ng Pangulo ang mga natapos at patuloy na port project sa ilalim ng Build Better More infrastructure program ng administrasyon, kabilang ang pinalawak na Batangas Passenger Terminal Building, na ngayon ay tumatanggap ng hanggang 8,000 pasahero, mula sa dating 2,500 na kapasidad nito.

Ang iba pang mga pangunahing proyekto ay ang Currimao Port Expansion sa Ilocos Norte para sa cruise ship operations, ang New Cebu International Container Port para i-streamline ang central Philippine trade, ang Ormoc Port Expansion sa Leyte, at ang Plaridel Port Improvement sa Misamis Occidental.

“Higit sa pagiging daanan tungo sa mga sentro ng kalakalan, negosyo, at turismo, ang mga pantalan ay isa ring mahalagang tulay tungo sa kaunlaran ng ating bansa

“More than gateways to trade, business, and tourism hubs, our ports are vital bridges to national development,” dagdg pa niya. (Vanz Fernandez)