Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA isang reel na kumalat kung saan nagsasalita ang beteranong actor na si Phillip Salvador sa isang provincial sortie para isulong ang kanyang kandidatura, hindi napigilang mag-react ng actress at beauty queen na si Gloria Diaz.
Walang kagatul-gatol na nagkomento ang Miss Universe 1969 na: “Yung anak mo padalan mo ng pera.”
May mga nawindang at naaliw din sa pagiging straight forward ni Gloria.
Nagtaka pang netizens kung sinong anak ang tinutukoy ng beteranang aktres.
Sey pa ng kibitzers, sagad daw ang pagsopla ni Gloria kay Ipe.
Ito ang ilan sa reaksyon ng netizens.
“Hahahaha! Natawa ‘ko ??”
“Queen things ??”
“legit acct ba ni gloria diaz yan???”
“Queenindeed!
“Savage kung savage. Queen talaga!! ??”
“Go lola G”
“HAHAHAHHA KANINONG ANAK? Kay krissy ba”
“No punctuation, no emojis. Just vibes.” “Slay hahahaha”
“she’s a miss universe for a reason” “HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA queen thingssss ????”
“Walang sugar coating, straight to the point! ??”
“ILAVET Hahahahaha”
“madam talaga yan?? Haha”
“LEGGENDARIA Slay! despite Diamond Age”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Get him, Queen!!!”
“Legit account nya pala yan. Bravo! ??”
“behavior.
“Queen behavior.
“Hahahahaha! Winner!!!”
“no filter since 1969 talaga si madame HAHAHAHAHA”
“Tumabi ang lahat! Dadaan ang Reyna!”
***
Nora Aunor bibigyang pugay ng NCCA at CCP
ANG National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) ay nagsanib puwersa para bigyang pugay ang buhay at natatanging ambag ng namayapang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Cabaltera Villamayor, o mas kilala bilang Ate Guy o Nora Aunor.
Gaganapin ang necrological service ngayong araw, Abril 22 sa Metropolitan Theater sa Manila.
Pagkatapos ng necrological service ay ilalagak naman sa Libingan ng mga Bayani ang multi-awarded actress at singer sa Taguig City.
Si La Aunor ay namatay sa sakit na acute respiratory failure noong April 16, 2025 sa edad na 71.
Nagsimula ang kanyang karera noon bilang singer sa pagsali niya sa singing competitions na naging pasaporte niya sa mundo ng showbiz at musika.
Ilan sa hindi niya malilimutang mga obra ay ang Himala (1982), Bulaklak sa City Jail (1984), at The Flor Contemplacion Story (1995) na naipalabas noon sa CCP Cine Icons program.
Siya ay ginawaran ng Order of National Artist (Orden ng Pambansang Alagad ng Sining) ng dating Pangulong Duterte noong 2022.