Advertisers

Advertisers

Engkuentro ng magkaribal na kandidato: 1 patay

0 7

Advertisers

Nasawi ang isang katao at isa ang sugatan nang mag-anot at magkabarilan ang grupo ng magkatungaling kandidato sa pangangampanya sa Tayum, Abara nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jay-ar Tanura, 27-anyos, ng So. Quilob, Brgy. Budac, Tayum, Abra na binawian ng buhay habang nillpatan ng lunas sa Abra Provincial Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan habang nilalpatan naman ng lunas sa Seares Memorial Hospital ang sugatan na si Jordan Claustro Barcena, ng Brgy Budac, Tayum, Abra.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga otoridad ang dalawang nakilalang mga suspek na sina Ryan Luna, Brgy. Chairman; at Raffy Tejero.



Ayon kay Froilan Lopez, Abra Provincial Police Office Director, 3:40 ng hapon nang magka-engkwetro ang magkatungaling grupo ng kandidato sa Sitio Agdamay, Brgy Budac, Tayum, Abra.

Nabatid na nangangampanya ang grupo ng isang Walter Tugadi nang makasalubong ang grupo ng convoy ng isag Kathlia Carino ALcantara at Chairman Ryan Luna sa nasabing lugar. Pinaputukan ng grupo ni Alcantara at Luna ang grupo ni Tugadi kung saan gumanti ng putok ang grupo ng huli.

Sa naganap na palitan ng putok ng dalawang grupo kapwa sugatan sina Barcena at Tanura na isinugod sa pagamutan.

Tinukoy nman ni Jordan Barcena na si Ryan Luna, Brgy. Chairman at Raffy Tejero na kabilang sa mga namaril habang sakay sa isa sa mga sasakyan naka-convoy ni Alcantara.

Narekober ng mga otoridad ang mga basyo ng bala ng 5.56 mm firearmas at cal 45 sa pinagyarihan ng engkwentro. Habang isang kulay puting pick-up na Toyota na may plamang NFI4951 na kabilang sa convoy ng Alcantara ang natagpuan may tama ng bala sa compound ni Ryan Luna sa Dangdangla, Bangued.



Kasong paglabag sa RA 10591 at COMELEC Resolution No. 11067 in Relation to Omnibus Election Code of the Philippines ang isasampa laban sa 2 natukoy na suspek at 4 pang mga john does.