Advertisers
Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Marbil ang Director ng Quezon City Police District (QCPD) BGen. Melecio Maddatu Buslig kaugay ng pagkaka-aresto ng isang pulis na sangkot sa pang-aabuso.
Ayon kay Marbil, Ang pagkaka-relieve kay PBGen. Buslig, malinaw na pagpapatunay ng command responsibility at isang paalala na ang pananagutan hindi lamang para sa tauhan, kung hindi nagsisimula mismo sa mga namumuno.
Ang pagsibak kay Buslig kaugnay na magv-iral sa social media ang ginawang sapiitan pagpasok sa isang bahay nang nakainom o lasing na si Staff Sergeant Colonel Jordan Marzan nakatalaga sa QCPD Police Station 2 at pananakit sa menor de edad sa no 1 Caragay St. Brgy. Damayan, Quezon City noong April 21,2025.
Inaresto si Marzan ng mga kapwa pulis at kasamahan matapos ang beripikasyon ng mga ebidensiya at kumpirmasyon ng mga pangyayari. Dinis-armahan ang nasabing pulis at inihahanda ang kasong paglabag sa Domicile at Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Habang nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang Internal Affairs Service (IAS) para sa kasong administratibo.