Advertisers
NAKALIGTAS ang Baic Motor Club ng China sa malupit na atake ng VTV Binh Dien Long An ng Vietnam, 22-25, 21-25, 25-19, 25-13, 15-10 Lunes para walisin ang Pool C ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Champions League sa Philsports Arena sa Pasig.
Jin Ye umiskor ng 30 points on 24 attacks, four aces at two blocks,at gumawa ng 10 excellent digs para sa Chinese squad,na nagtala ng 28-26, 25-22, 25-19 wagi laban sa Saipa Tehran sa araw bago umabante sa quarterfinal round.
Bilang No.1 seed sa Pool C, Makakaharap ng Baic Motor ang No.2 seed sa Pool B, na binobuo ng Premier Volleyball League All-Filipino champion Petro Gazz, Chinese Taipei’s Taipower, at Hong Kong’s Hip Hing.
“I am familiar with the local teams here. I have been here before. But we have a younger team this year and all we want to do is bring more experience back to China so that we don’t have any pressure on us,” Wika ni Baic Motor coach Kuang Qi sa pamamagitan ng interpreter.
Pinamunuan nina Tran Thi Thanh Thuy at Vi Thi Nhu Quynh ang opensiba ng Vietnam sa first two sets pero ang Chinese Spikers ay nagkaisa at nagtagumpay sa sumunod na two sets para ipuwersa ang decider.
Baic Motor ay umasa kay Lu Yufei, Shan Lanfeng, Shen Hongyi at Ye sa fifth set para selyuhan ang panalo.
“Ye is playing well. I’m happy not just with her performance today but also with the leadership she brings to the team. She’s one of our veterans and she did exactly what we needed from her,” Wika ni Qi.
Lanfeng nagdagdag ng 20 points on 14 attacks,four blocks, at two aces,habang si Yufei may 14 points. Shen Hongyi at Tian Yue bumakas ng nine at seven points, ayon sa pagkakasunod.
Quynh led Binh Dien Long An may 22 points on 20 attacks sinundan ni Thuy na may 20 points,kabilang ang 18 attacks.
Russian import Lijewska Natalia umiskor ng 12 points at middle blocker Nguyen Thi Ngoc Hoa may seven points para sa Binh Dien Long An.