Advertisers

Advertisers

The Don!

0 3

Advertisers

Talagang panahon na ni Luka Doncic. Magmula nang na-trade siya sa Lskers lalong sumikat ang Slovenian. Ngayon ang jersey na niya ang best selling ayon sa figures ng NBA.com.

Nalagpasan na niya ang mga traditional na mga leader na sina Steph Curry at LeBron James.

Mula 2013 ay nagpapalit-palitan ang dalawang bida pero itong season naiba ang istorya.



Kahit sina Jayson Tatum ng Boston, Jalen Brundon ng New York at Victor Wembanyama ng San Antonio ay talo niya sa bentahan ng uniporme.

Kahapon nasumpungan natin sa Facebook ang isang live seller na Pinoy na yung authentic purple at gold na may numero 77 ang itinutulak sa kanyang sales pitch. Ito nga raw sa International star ang pinaka-hinahanap ngayon.

Tiyak ang dami rin gagawa ng pirated o peke na bersyon. Yung tipong matatagpuan natin sa mga palengke at mga tiangge. Siyempre mas mura ito sa genuine.

Naku higit pa sigurong lalakas ang bilihan kung magkampeon ang LA Lakers.

Iba talaga yung mahusay ka na sa basketball at guwapo ka pa. Tapos masuwete pa.



Don Luka na ang taguri sa iyo.

Sa atin sa Pinas may Don Pepot naman. Hehe.

***

Nagkita sa Daet, Camarines Norte sina Manny Pacquiao at Leila De Lima noong isang araw..

Bagama’t magkabilang panig sa pulitika ay hindi naman sila magkalaban sa puwesto.

Sa Senado gusto bumalik ng anak ni Aling Dionesia. Samantalang ang Bicolanang ipinakulong ni Duterte ng walang kasalanan ay No. 1 nominee ng #6 ML partylist.

Matatandaan na noong 2017 ay ang asawa ni Jinkee ang nag-motion sa Mataas na Kapulungan para gawing bakante ang hawak ni DeLima na chairmanship ng Justice Committee.

Saglit na nagkumustahan ang dalawang dating mambabatas.

Bisita sila doon ng gobernador ng probinsya.

***

Alam nyo bang sinasabi ng mga taga Dapitan sa Zambianga na tinuruan ni Dr Jose Rizal ng arnis ang mga dalawng dosenang kabataan. Doon na-exile si Rizal ng apat na taon at bukod sa paggawa ng irigasyon ay ibinahagi rin ng bayani ang paglalaro ng katutubong sport.

Mismong opisyal ng turismo ng lugar ang nagkwento nito sa isang panayam sa GMA News.

Pero mqyroon rin nagwika na kulang pa ang katibayan sa kwento.

Ang siguradong game ni Pepe ay fencing at marami nagpapatunay nito.