Advertisers

Advertisers

Taiwanese team wagi vs HongKong sa AVC Women’s Champions League opener

0 5

Advertisers

INUMPISAHAN ng Kaohsiung Taipower ng Taiwan ang Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Champions League sa impresibong panalo, winalis ang Hong Kong’s Hip Hing, 25-10, 25-16, 25-14, sa Philsports Arena sa Pasig City Linggo.

Pinamunuan ni Peng Yu-Rou ang opensa ng Kaohsiung sa iniskor na 16 points built on 15 attacks at ace,habang si Tsai Yu-Chun nagdagdag ng 11 off eight attacks, two aces, at block para makamit ang unang tagumpay sa Pool B.

Hsu Wan-Yun bumakas ng seven points, team captain Huang Ching Hsuan may six points, at middle blockers Hu Xiao-Pei at Pao Yin-Chi nag-ambag ng tig-5 points.



“It’s important for me as a volleyball player to gain this kind of experience. It also [matters] that our team gets to experience participating in a tournament like this,” Wika ni starting setter Hung Chia-Yao, na may 10 digs at two points, matapos ang 64 minutong aksyon

“It is a new experience in our life and we can [have] many learnings in other countries like how they play volleyball and for our communication also,” dagdag ni Hu Xiao-Pei.

Hip Hing’s outside hitter Pang Wing Lam umiskor ng seven points habang si setter Fung Tsz Yan nagdagdag ng apat.

Ang susunod na makakaharap ng nine-time champion sa Taiwan’s Top Volleyball League, Taipower ay ang Petro Gazz, ang Premier Volleyball League All-Filipino Conference champion, alas 4 ng hapon Lunes.

Hip Hing, Hong Kong Women’s Volleyball League reigning champion, ay susubukan na makabawi laban sa Petro Gazz alas 7 ng gabi Martes.