Advertisers
HANGGANG maaari, tigil muna ang pamumulitika 45 araw bago ang halalan. Tigil muna ang mga paggawa ng imprastraktura, pagbibigay ng pautang o hanapbuhay sa mga walang trabaho, at ang galaw na ang layunin ay maging guwapo o mabango sa mga katunggali sa pulitika.Nasa batas iyan at layon ng pagtigil ang patas na labanan sa halalan.
Ito ang dahilan kung bakit dumulog ang isang kandidato sa pagka-alkalde ng bayan ng Lian sa Batangas sa Commission on Elections. Hindi natutuwa si dating Presidential Communications Office Assistant Secretary Zaldy de Layola sa pagbibigay ng Development Bank of the Philippines (DBP) ng pautang na abot P215 milyon sa pamahalaang lokal ng Lian noong ika-14 ng Marso, 2025.
Tumatakbo si de Layola laban kay Joseph Peji, ang reeleksiyonista alkalde ng Lian. Gagamitin umano ni Peji ang inutang na salapi upang bilhin ang 1.5 ektarya lupain na tatayuan ng bagong munisipyo ng Lian.
Hindi tutol si de Layola sa proyekto ngunit labag ito sa batas dahil ibinigay ang pautang ng wala sa takdang panahon.
Hiningi ni de Layola na siyasatin ito ng Commission on Elections (Comelec) at, kung maaaari, magsampa ng habla laban kina Peji at ibang opisyales ng pamahalaang lokal ng Lian na kasama sa transakyon. Gagamitin umano ang salapi sa pagbili ng isang ari-arian sa Barangay Bagong Pook sa Lian at pagpapatayo ng isang tatlong palapag na gusali na gagamitin bilang munisipyo ng pamahalaang lokal.
“The P215 million loan agreement signed between the municipality of Lian and DBP within the election period on March 14, 2025 puts all Lian local candidates opposing the team of Mayor Peji in a serious disadvantage despite the latter’s good intentions, if there are any,” ani de Layola sa isang pahayag.
Dagdag niya: “The fact that this agreement was executed during the election period when the incumbent mayor is a candidate for re-election renders the transaction highly anomalous.
Entering into financial obligations that may unduly influence the electorate or give them undue advantage within the election period may constitute an election offense under the Omnibus Election Code and relevant Commission on Elections (COMELEC) resolutions,” ani de Layola.
“These restrictions exist to prevent undue influence on voters through the disbursement of public funds and to uphold the integrity of the electoral process,” dagdag niya. Pampulitika ang galaw ni Peji, aniya.
Dagdag niya: “From a fiscal responsibility standpoint, committing over P200 million at this politically sensitive time – without thorough public consultation or transparency may severely compromise public trust and burden future administrations with obligations made in haste.
The anomalous loan entered by the re-electionist Mayor Peji of Lian, Batangas is not an isolated transaction. According to last year’s Manila Bulletin report, there has been a surge in LGU borrowings ahead of the 2025 election
***
Email:bootsfra@yahoo.com