Advertisers

Advertisers

P45.4m diapers na ‘di rehistrado nasamsam sa Bulacan

0 2

Advertisers

SINALAKAY ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group 3 ang limang warehouse ng Philippine Asia Realty Development Corporation sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan,

Kung saan nasabat ang tone-toneladang unregistered adult at baby diapers na umano’y mula China na aabot sa P45,409,800.00 na halaga.

Nadakip sa operasyon sina alyas Alan, Chinese national, general manager; Marjorie, assistant manager; Rachelle, Braian, Mark, at Joshua, na kapwa mga empleyado ng kumpanya.



Nakumpiska rin mula sa mga warehouses ang mga resibo, laptop, printer, bubble wrap, at CCTV recorder.

Ayon sa mga awtoridad dapat rehistrado sa FDA ang naturang produkto mula sa bansang China, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ng mga sanggol at senior citizen.

Samantala, detenido ngayon sa CIDG Detention facility sa Camp Olivas Pampanga ang mga suspek na sasampahan ng patong-patong na kaso. (Thony D. Arcenal)