Advertisers
‘Not Guilty’ ang plea na inihain ng kampo ng akusadong si Allan Dennis Sytin sa kinakaharap nitong kasong murder at frustrated murder sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 7.
Si Allan Dennis Sytin, ang itinuturong utak ng pagpatay sa negosyanteng kapatid na si Dominic Sytin, founder ng United Auctioneers Incorporated dahil sa hindi pagbibigay ng share ng kita ng kumpaniya sa akusado.
Nobyembre 28, 2018 nang barilin si Dominic sa tapat ng isang hotel sa Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City.
Nadakip ang akusado ng mga tauhan ng Royal Malaysian Police sa isang club sa Selangor, Malaysia noong Marso 22, 2025.
Agad na inilipat si Allan Dennis Sytin sa Manila City Jail-Male Dormitory base sa kautusan ni Manila RTC Executive Judge Carolina Icasiano-Sison ng Branch 18.
Unang nadakip ang gunman na si Edgardo Luib at ang middleman na si Ryan Rementilla na nahaharap rin sa parehong kaso.(Jocelyn Domenden)