Advertisers

Advertisers

Juday nagluksa sa pagpanaw ni Ate Guy

0 10

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGBIGAY-pugay si Tirso Cruz III sa kanyang longtime screen partner, ang Superstar Nora Aunor.

He remembered his late screen partner, with a heartfelt tribute that celebrated her remarkable legacy and lasting impact on Philippine cinema.



Sila ang legendary tandem na Guy & Pip noong kanilang panahon — late 1960s and lasted 1980s.

Aniya sa Instagram account, “Matthew 5:4 – Blessed are those who mourn, for they who will be comforted.”

“Our heartfelt condolences to the family of Philippine cinema Superstar, Ms. Nora Aunor. Praying for God’s comfort to be upon all of you in this season of grief.

Your contribution to the industry will always be remembered.”

“Always Guy and Pip for me. Part of my growing up watching you guys. Rest in peace Guy”



“Rest in peace with our Creator. May God comfort the whole family. I could not forget my HS memories as GUY & PIP fans”

“So gentleman and kind of you to pay tribute to Nora. Bless you!”

“Yes Pippo I witness you both and avid fan of yours since 1969”

“The biggest and unforgettable loveteam in Ph cinema, Guy and Pip”

Si Ate Guy ay pumanaw nu’ng April 16, 2025 sa edad 71.

Her sudden departure left the entertainment industry and her countless fans mourning, many of whom had followed her illustrious and vibrant career.

Ang Police Files Tonite Family ay taus-pusong nakikiramay sa buong pamilya ng Superstar. RIP, the one and only Superstar ng Pilipinas.

***

NETIZENS PINASALAMATAN SINA PBBM AT FPRD SA PAGBIBIGAY NG KARANGALAN SA SUPERSTAR

NAGING emosyonal ang mag-amang Christopher De Leon at Lotlot sa burol ng nag-iisang Superstar Nora Aunor.

Sa video ay makikitang bumisita sa wake ni Ate Guy, ang batikang aktor.

He condoled his son, Ian De Leon, as well as Lotlot at ang iba pang anak ni Ate Guy.

Si Ian ang nag-iisang anak nina Boyet at Nora at sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ay legally adopted ni Ate Guy na sinunod ang family name kay Boyet.

Si Noel Ferrer ang nagshare ng kuhang video clip at nilagyan niya eto ng caption.

“OUR DRAMA KING CHRISTOPHER DE LEON PAID HIS RESPECTS TO FORMER WIFE, NATIONAL ARTIST & SUPERSTAR NORA AUNOR.”

Nagpapasalamat naman ang netizens at PBBM dahil sa magandang burol na ibinigay niya sa Superstar.

May Philippine flag na nakapatong sa coffin ni Ate Guy at may mga sundalong nakabantay bilang pagkilala sa Superstar na malaki ang naiambag sa mundo ng industriya.

Ang pangalan ni Ate Guy bilang Superstar ay pumalaot sa buong mundo.

Maging ang netizens ay pinasalamatan din si FPRF dahil sa pagbibigay niya ng parangal kay Ate Guy bilang National Artist.

May tanong lang ang netizens, magkakaroon din daw ba ng 21 gun salutes para kapag inihatid na sa huling hantungan ang nag-iisang Superstar?

Kami na po ang sasagot. Sigurado po na meron!

***

ISA sa lubos na nagluluksang celebrity sa.pagpanaw ni Ate Guy ay ang Teleserye Queen Judy Ann Santos.

May post din ang aktres ng kanyang makabagbag damdaming mensahe para sa Superstar.

Kalakip ang throwback.photos nila ng Superstar, ani Juday, “Nakakatulalang isipin ang pagkawala mo sa industriyang pinalawak mo… Isa sa mga pinakamakumbaba, pinakahinahangaan ng nakararami, aming National Artist… Maraming salamat sa napakalaking ambag mo sa mundong minahal at yinakap mo mg buong buo…”

“Walang sinuman ang makakapalit sa estado at galing mo… Paalam, Ate Guy… Paalam sa aming nag-iisang SUPERSTAR… Mahal na mahal ka namin…”