Advertisers

Advertisers

Higit 2,500 gun ban violators naaresto

0 4

Advertisers

Mahigit 2,500 katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang 18 sa mga tauhan nito, na lumabag sa election gun ban, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa pinakahuling datos ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC), nahuli ng mga awtoridad ang 2,529 na lumabag sa gun ban mula Enero 12 hanggang Abril 19 ngayong taon.

Sa bilang na ito, 18 ang mga tauhan ng PNP, 14 ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines, 12 ang dayuhan, at 2,418 ang mga sibilyan.



Sinabi ng Comelec na nag-ugat ang mga pag-aresto sa 2,486 na paglabag sa gun ban.

Nakumpiska sa mga lumabag ang 2,603 ​ baril. Sa bilang na ito, 2,350 ang maliliit na armas, 55 ang magaan na armas, 27 ang airsoft, 101 ang mga replika, 60 ang mga pampasabog, at 9,451 ang mga bala, bukod sa iba pa. Ipinakita rin sa datos ng NEMAC na na-validate ng PNP ang 28 election-related incidents (ERIs).

Sa 28 ERI, 20 ang marahas, habang walo ang hindi marahas.

Nauna nang ipinaliwanag ng PNP na ang isang kaso maituturing na hinihinalang ERI kung nangyari ito noong panahon ng halalan, mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, at kung ang suspek o biktima ay kandidato, malapit na kamag-anak ng kandidato, taga-suporta, o opisyal ng Comelec.

Nagpatupad ang PNP ng nationwide gun ban noong Enero 12.



Ayon sa PNP, layong titiyakin ang kapayapaan at kaayusan ang pagpapatupad ng gun ban dahil naniniwala ang gobyerno na maaari nitong bawasan ang karahasan na may kaugnayan sa baril sa darating na midterm polls. (Jocelyn Domenden)