Advertisers

Advertisers

20 na biktima ng lunod sa Calabarzon

0 6

Advertisers

UMAKYAT na sa bilang na dalawampu ang biktimang nasawi sa pagkalunod ayon sa report ng Calabarzon Police Regional Office 4A simula nuon April 13 hanggang kahapon araw ng Linggo o April 20, 2025 ng madagdag sa listahan ang panghuling dalawang biktima mula sa Batangas at Rizal.



Natagpuan na palutang-lutang sa lawa ng Taal Lake ang wala ng buhay na katawan ng biktimang si Rigor Gamba, 45 anyos, na meron mental disorder nuon umaga ng linggo sa Brgy. Poblacion 4, ng Laurel Batangas ayon sa report ng Laurel PNP wala naman nakitang physical foul play sa pagkamatay ng biktima na hinihinalang posibleng pagkalunod ang ikinasawi.

Dead on arrival din sa Army Station Hospital sa Camp General Mateo, sa Tanay Rizal ang babaeng biktima na si Froilyn Requellas, nasa hustong gulang, base sa salaysay ng mga kaanak ng biktima nagpunta sila sa Dapitan River para maligo 5:00 ng umaga ng lumusong sa tubig ang biktima at makalipas ang isang oras 6:00 ng umaga ay nakitang lumulutang sa ilog ang katawan ng biktima na agad sinaklolohan ng kanyang mga kaanak at dinala sa nasabing pagamotan subalit hindi na umabot pa ng buhay ayon kay Dra. Army Lt.Colonel Marie Rose Baniqued.(KOI LAURA)