Advertisers

Advertisers

Trike nahulog sa bangin: 1 patay, 8 sugatan

0 2

Advertisers

NASAWI ang isang babaeng biktima na nagmamaneho ng isang tricycle habang patuloy na ginagamot at inoobserbahan ang walong pang mga pasaherong nasugatan sa nangyaring aksidente kabilang ang isang sanggol at isang sampung taon gulang na bata 5:35 ng hapon nitong Sabado (April 19, 2025) sa Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite.

Kinilala ang nasawing biktima na si Kristeta Laca, 49-anyos, na siyang nagmamaneho ng kulay pulang tricycle na may plakang DO35859; habang ang walong mga nasugatan kinilalang sina 1. Rachelle Ann Loyola, 35; Nadine Loyola, 9 months old; Camille Abaño, 10; Kyla Garlan, 21; Jeffrey Loyola, 43; Jane Mate, 44; Margie Loyola, 61; Jaime Garcia III, 21, mga pawang residente sa Brgy. Langkiwa ng Biñan City, Laguna.

Ayon sa inisyal na report ng mga imbegrtigador ng Carmona City Police Station, lulan umano ng nasabing tricycle ang mga biktima na minamaneho ni Laca, pauwi na sana galing sa outing swimming subalit habang nasa kahabaan ng Davilan Road patungo sa Sugar Road pagsapit sa kurbadang daan sa lugar ng aksidente ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya’t nahulog sa bangin ang tricycle at nakitang mga dugoan at nakahandusay ang mga biktima na agad dinala ng mga rumespondeng mga tauhan ng Carmona CDRRMO ang driver at anim pang mga nasugatang pasahero sa Pagamutang Bayan ng Carmon habang ang dalawa pang biktima ay isinugod sa Carmona Medical Hospital, subalit namatay din habang ginagamot ang babaeng driver dahil sa mga tinamong sugat sa kanyang katawan ayon sa rumespondeng doktor.



Napag-alaman na bago nangyari ang trahedya, nakainom ng alak ang nasawing biktima na posibleng dahilan ng aksidente.(Koi Laura)