Advertisers
KAHIT anong maniobra at pangungundisyon ng mga nasa poder,sintibay na ng pader ang kinalalagyan ng Senador ng Bayan na si re-electionist Mr.Malasakit Christopher ‘Bong’ Go.
Sa lahat ng surveys o pulso ng bayang naglabasan ay di na matitinag si SBG sa pangunguna sa Senatorial race.
Patunay lang ito ng naging mabuting serbisyo niya sa mamamayan at pagtupad sa kanyang plataporma mula day one ng kanyang pagiging Senador hanggang huling tikada ay walang puknat ang kanyang paglilingkod nang tapat at walang bahid pamumulitika.
Kahit di niya ipangangalandakan ang nagawa niya mula noong hanggang ngayon ay alam ito ng sambayanan kaya sigaw nang mayoryang masa..GO muli sa Senado.
At dahil topnotcher Senator at matalinong mambabatas, di malayong siya ang maging next Senate President( SP) sa 20th Congress ng August Chamber ng bansa.
Dapat pa ring maging vigilant at huwag pakampante ang kampo ni SBG sa mga planong paghila sa kànya pababa ng mga bad elements at desperadong kalaban ..
ABANGAN!!
***
ABUSONG LANDLORD SA UPPER BICUTAN
MAY nagpaabot ng reklamo sa korner na ito kaugnay sa aniya’y pagiging abusado ng isang landlord( nagpaparenta ng unit ng kanyang bahay) sa may calle Aquino, UB, Taguig City..
Complain niya sa Uppercut masyado siyang hinarass ng nagpapaupa at sinabihang lumayas na eh wala namang atraso ang umuupa kundi first time na 3 araw na delay sa bayad( hindi 3 buwan).
Sinabihan pa ang tenant na me rerenta nang iba na isang maliwanag na harassment.
Imagine, sa Barangay Hall nagpunta ang landlord para mapaalis ang tenant na akala ng kumag ay walang alam sa rental law ang mga kinauukulang taga -Barangay
Ang ginawa na lang ng tennant, nang mabuo ang pagdepòsito sa nakitang lilipatan ay transfer na sila para wala nang isyu.
Agad daw lumipat ang bagong tenant na nakapagbigay na ng 3 months advance kahit naroon pa ang dating umuupa.
Ang bagong tenant ang nakinabang sa mga ipinagawa ng dati tulad ng baradong banyo, tagas sa wall at supply ng tubig na di sinabi ng may-ari ang diprensya noong bago pa nabiktima ang dating umuupa.
Ang siste ngayon me naiwang bill sa kuryente( ilang araw lang) na kung di sana nagmadaling magpaalis ng tenant ay tiyak na settled iyon.
Ngayon daw, umandar na naman ang bisyo ni landlord na magbarangay.
Di naman basta papatol sa mga reklamong onesided ang barangay.
Ang tanging payo diyan sa sumbunging landlord…
MAGHINTAY SIYA! Mismo!
Payo ng Uppercut sa landlord.. Nasa dapithapon na ang inyong buhay, dapat ay puro kabutihan na lang at makatao ang gawin niyo sa mundo para pagdatìng ng hukom ay alam ninyo kung saan kayo mapupunta!
Ang pinakalegal din..mag-isyu ng resibo bawat payment( kaso nagpapaupa sila ng walang official receipt) Tatakbo agad kayo sa gobyerno e sila din ang niloloko niyo sa tax dahil sa di pag-isyu ng resibo)..SAKTO!