Advertisers

Advertisers

Pabrika nilamon ng malaimpyernong sunog

0 4

Advertisers

Sumiklab malaking sunog sa isang pabrika sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City noong Biyernes ng hapon, Abril 18.

Sa report, nagsimula ang apoy 5:00 ng hapon at tumaas sa Task Force Alpha 7:50 ng gabi, kaya rumesponde ang mga fire trucks at mga tauhan mula sa mga kalapit na lugar.

Ang pabrika, na gumagawa ng mga plastic products at shampoo sachets, na naglalaman ng mga kemikal na madaling magliyab, kaya’t mahirap patigilin ang apoy.



Ayon sa mga manggagawa, wala namang tao sa loob ng pabrika nang mangyari ang insidente, at sinasabing nagsimula ang sunog sa isang warehouse na nag-iimbak ng mga basura.

Dahil malapit ang pabrika sa mga residential subdivisions, ilang residente ang nag-evacuate bilang pag-iingat.(Beth Samson)