Advertisers

Advertisers

Notoryos drug-pusher, arestado sa P1.7m shabu

0 3

Advertisers

Arestado sa isinagawang buy bust ang kilalang notoryos drug-pusher na kabilang sa high value drug personality sa lalawigan ng Pampanga.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen.Jean S. Fajardo kinilala ang suspek na si alyas “Gilagid,” 43-anyos, ng Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng Porac.

Ayon sa ulat, 9:10 ng gabi noong Abril 17 2025 ng mahuli ang suspek sa bahagi ng Abacan Bridge Brgy, Ninoy Aquino sa nabanggit na lungsod.



Nakumpiska mula sa suspek ang 255 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P1,734,000 at buy bust money.

Samantala detenido ngayon si Gilagid sa Police Station 6 detention cell sa kasong paglabag sa Sections 5 ,11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Dangerous Drugs Act of 2002.