Advertisers

Advertisers

Madis swak sa 2nd round ng Malaysia tennis tourney

0 5

Advertisers

YUMUKO ang Philippine Tennis Academy player Tennnielle Madis sa No.4 seed Renee Alame ng Australia,, 2-6, 5-7, sa second round ng International Tennis Federation (ITF) J200 Kuala Lumpur singles competition sa National Tennis Center sa Malaysia.

Pero, ang 17 year-old- mula sa M’lang, North Cotabato ay nakapasok sa next round sa doubles, kasangga ang Russian Alexandra Malova para idispatsa ang Indian Diya Ramesh at American Priyanka Rana, 6-1, 6-2.

Madis, ay kasalukuyang No.213 sa ITF Juniors singles rankings, at si Malova ay makakatapat ang No.8 Russian pair Anna Pushkareva and Alisa Terentyeva.



“Tenny fought well, did her best but the Australian played better,” Wika ng dating Davis Cupper at SEA Games medalist Robert Angelo sa panayam Huwebes.

“Tenny is a fighter, I’m sure she’ll try to bounce back in Kuching (Malaysia) and Nonthaburi (Thailand), both J300 events,” dagdag nya.

Ang Kuching event ay magsisimula sa Abril 22 hanggang 27 habang ang Nonthaburi Closed Regional Championships ay nakatakda sa Abril 28 hanggang Mayo 3,

Madis ay nagwagi ng dalawang doubles title sa United Arab Emirates nakaraang Enero.

Nakaraang taon, nagbulsa siya ng limang doubles title, kabilang ang PTA teammates Stefi Marithe Aludo sa J60 events na ginanap sa Manila, China, Thailand at Sri Lanka.