Advertisers
Inaasahan na sa panahon ng kuwaresma, ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc… dahil sa walang pasok sa buong bansa bilang paggunita sa paghihirap ni Kristo Hesus sa kalbaryo para sa kaligtasan ng sanlibutan.
Kung ang nakararami ay nagnagninilay, etc, huwag sana natin kalimutan na sa panahon ito, Huwebes at Biyernes Santo hanggang Pasko ng Pagkabuhay), na nandyan pa rin ang buong PNP – hindi nagpapahingan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan.
Nakabakasyon man ang lahat – 24-7 pa rin nagbibigay proteksyon ang PNP na pinamumunuan ni Police General Rommel Francisco D Marbil sa publiko. Hindi lamang ang pagbibigay seguridad ang pinagkakaabalahan ng PNP sa tuwing holiday(s), kung hindi ay tuloy rin ang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad.
Heto nga sa panahon ng kuwaresma, nakapaghatid ang PNP ng hustisya para sa dinukot at pinaslang na steel magnate na si Anson Que o Anson Tan at sa driver nitong si Armani Pabilio nang maaresto ang tatlo sa mga salarin bunga na follow-up operation sa pamamagitan ng binuong Special Investigation Task Force Group na pinamumunuan ni PNP Chief of Directorial Staff Lt. Gen. Edgardo Okubo habang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni PMaj. Gen. Nicolas Torre III ang manguna sa imbestigasyon kabila na ang mga operasyon.
Iyan ang tamang desisyon ni PNP Chief, ang manguna ang CIDG sa operasyon para sa ikalutas ng krimen. E sino ba ang Hepe ng CIDG? Hindi naman lingid sa kaalaman ng buong bansa ang kakayahan ni CIDG Director MGen. Torre III.
Heto nga – maikokonsidera nang lutas na ang pagdukot at pagpatay kina Que at Pabilio makaraang madakip ng TF ang tatlo sa mga suspek habang nakilala na rin ang iba pang kasabwat at patuloy na rin hinahanting ng tropa ni Torre.
“Ang lahat ay nagtrabaho dito, may kanya-kanyang kontribusyon. Talagang tinutukan namin ang kaso. Walang baka-bakasyon. Nakuha ang mga suspek sa pagkakhiwalay na operasyon. After the inquest proceeding, magbibigay ng press briefing si Gen. Fajardo (PNP spokesperson/PRO 3 Regional Director ) ,” pahayag ni MG Torre III nang makapanayam natin sa telepono nitong Sabado, Abril 19, 2025.
Nadakip nitong Abril 18, Biyernes Santo, sa Roxas, Palawan sina Ricardo Austria David at Reymart Catequista habang ang Chinese national na si David Tan Liao, isa sa mga principal suspek ay sumuko sa Kampo Crame. Hinahantin pa ang dalawang Chinese national na kapwa principal suspek din sa krimen.
Nalutas ang kaso sa isinagawang backtracking ng mga CCTV camera kung saan maaaring dumaan ang dalawang biktima bago ang krimen. Natunton ng pulisya ang isang bahay sa Meycauayan, Bulacan kung saan nagtungo si Que at drayber nitong si Pabilio noong Marso 29, 2025 sakay ng kulay itim na Lexus. Nagtungo si Que sa lugar dahil sa may kakausapin (business meeting) pero iyon pala ay isang pain na ng mga suspek.
Sa nasabing bahay din itinago ang dalawa at hiningan na ng kidnappers ng ransom money na $20 milyon (?1,133,890,000.00) ang pamilya Que kung saan ay nakapagbigay ng P200 milyon. Abril 8, 2025, pinatay sa sakal ng mga kidnapper sina Que at Pabilio at saka itinapon sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal.
Sa bisa ng search warrant ay pinasok ng TF ang bahay sa Meycauyan at narekober dito ang mga ebidensya – mga sapatos ni Que na huli nitong sinuot gayundin ang sapatos ni Pabilio. Nakuha din ang mga kulay orange na nylon cord na ipinansakal sa mga biktima.
Oo hindi pa man nakuha ang lahat ng salarin, masasabi na rin lutas na ang krimen pero hindi ibig sabihin na hanggang dito na lamang ang operasyon ng tropa ni MGen. Torre III at iba pa. Tiyak na makukuha din nila ang mga nakalalaya pa. Alam naman natin kung gaano magtrabaho si Torre, hindi iyan titigil hanggang tuluyan makuha ang lahat ng sangkot. Nakamit na rin ang hustisya.
Samantala, ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ay nagpaabot ng taos-pusong pagkilala sa mga pulis na tumulong sa kaso.
Kinikilala rin ng VACC ang estratehikong direksyon na ibinigay ni PGen Marbil, na ang mga desisyong may paninindigan at dedikasyon ay naging mahalagang bahagi sa pagsulong ng kasong ito.
“Lubos naming pinahahalagahan ang pagpapanumbalik ng tiwala at kompiyansa ng publiko sa ating mga pulis, na siyang pundasyon ng ating sistemang pangkatarungan. Sa ngalan ng sambayanang Pilipino, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong serbisyo bilang mga tagapangalaga ng katarungan,” pahayag ng grupo.