Advertisers
INANUNSYO ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapalaya ng gobyerno ng Malaysia sa 8 Filipino seafarers.
Ang nasabing mga seafarers ay crew ng MT Krishna na sila ay inaresto dahil sa paglabag sa immigration laws at nakulong sa Kota Tinggi, Malaysia.
Ayon sa DMW, na naglabas ng desisyon ang Prosecutor’s Office sa Johor na palayain ang mga naarestong seafarers.
Inilabas ang desisyon matapos ang ginawang pagbisita ng DMW nitong Abril 18.
Naghahanda na ngayon ang DMW kasama ang Overseas Workers Welfare Administration sa Kuala Lumpur ng repatriation ng mga Pinoy seafarers pabalik sa Pilipinas.
Nakausap din ng DMW ang mga kaanak ng mga seafarers kung saan tiniyak nila sa mga dito ang kanilang kaligtasan.
Matatandaang noong Abril 11 ang mga walong Pinoy seafarers at 12 Indian crew members ay ikinulong sa Royal Malaysian Police sa Kkota Tinggi Police District Headquarters sa Johor.
Nakapasok ang mga ito sa Malaysia ng walang mga passports at anumang legal na dokumento.