Advertisers

Advertisers

BONG GO: MAG-INGAT MPOX KUMPIRMADO SA BANSA

0 5

Advertisers

Nanawagan si Senator Bong Go sa publiko ng lubos na pag-iingat lalo’t nakumpirma ang pagkalat ng sakit na monkey pox sa iba’t ibang lugar sa bansa, gaya ng Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, at Baguio City.

Ginawa ni Go ang panawagan kasunod ng dagdag na dalawang kaso sa Davao City.

Kinumpirma ng Davao City Health Office (CHO), sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), ang kaso noong April 16. Ang dalawang pasyente ay dinala sa isolation facility ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), subalit ang Isa na severely immunocompromised, ay namatay sa complications.



“Hindi dapat mag-panic ang taumbayan,” sabi ni Go. “Pero mahalaga na alam natin kung paano mag-ingat. Ugaliing maghugas ng kamay, iwasan ang pisikal na contact lalo na kung may sintomas ang kausap, at agad magpakonsulta kapag may nararamdamang kakaiba sa katawan.”

Partikular na pinaalalahanan ni Go ang publiko ukol sa preventive measures para makaiwas sa pagkahawa ng sakit

“Apat na simpleng hakbang ang dapat nating tandaan. Una, iwasan ang malapit at intimate contact sa mga may sintomas. Pangalawa, panatilihin ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol. Pangatlo, linisin at i-disinfect ang mga gamit o lugar na posibleng kontaminado. At pang-apat, umiwas sa mga hayop—lalo na sa mga mukhang may sakit—dahil puwede rin silang magdala ng virus,” ani Go.

Ayon sa senador, dapat sumunod ang publiko sa health protocols ng local health offices at palaging alamin ang mga anunsyo sa developments hinggil sa mpox.

Samantala, iginiit ni Go, chair ng Senate Committee on Health, na ang gobyerno ay dapat manatiling proactive imbes na reactive sa pagtugon sa public health threats.



“Hindi sapat ang kampanya tuwing may outbreak lang,” he said. “Kailangan natin ng matatag na sistema, may plano, may pondo, at may sapat na kaalaman ang bawat Pilipino. Doon tayo nagkakaroon ng tunay na proteksyon.”