Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad binosohan dalagitang naliligo

0 1

Advertisers

Inaresto ang isang barangay kagawad, na may-ari ng resort sa San Juan, Batangas, nang mamboso sa isang dalagita na bisita habang naliligo sa banyo ng kanilang inarkilang cottage noong Biyernes ng gabi.

Batay sa reklamo sa pulisya ng biktima, na 17 anyos na estudyanteng taga-Calamba, Laguna, nangyari umano ang pamboboso habang naliligo siya sa banyo at nakita niya ang suspek na naninilip sa kaniya mula sa isang butas.

Agad naman na sinabi ng biktima ang pangyayari sa kaniyang ina.



Humingi rin ng tulong ang mag-ina sa mga naka-duty na tauhan ng San Juan MPS sa Laiya Pac Base na agad namang rumesponde at inaresto ang suspek.

Dinala naman ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act o RA 7610.