Advertisers

Advertisers

Corazon Aquino Hospital ‘di sumunod sa plano, minadali, palpak kaya kailangang gastusan uli ng P50M para di maging semento lang

0 15

Advertisers

ANG Manila local government unit (LGU) ay kinakailangan pang gumastos ng karagdagang milyones sa orihinal na construction expenses, para lang kumpunihin ang public hospital project na naging isang ‘white elephant’ matapos na apurahin ang pagtatayo nito ng dating administrasyon para sa presidential elections, dahil dito, ito ay nabigong pumasa sa pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH).

Ibinunyag ni Mayor Honey Lacuna na ang Pres. Corazon C. Aquino General Hospital sa Baseco ay hindi binigyan ng license to operate ng DOH dahil hindi ito pumasa sa kinakailangan na pamantayan o required standards.

Hanggang December 2024, ang Manila LGU ay nakapaglaan na ng karagdagang P50 million para matapos na ang nasabing proyekto dahil hindi ito pumasa sa standards na itinakda ng DOH.



Nabatid na ang sinundan ni Lacuna na si Isko Moreno, ay naroon lang sa groundbreaking noong 2021 pero si Lacuna ang siyang tumapos nito tulad din ng iba pang mga proyekto na sinimulan halos Ng sabay-sabay.

“Taong 2021 nang isinagawa ang groundbreaking ng Baseco Hospital sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Subalit hanggang ngayon, hindi pa rin ito nabubuksan upang mapakinabangan ng mamamayan. Sa halip, patuloy ang paglalaan ng pondo para ayusin ang mga maling pagkakagawa nito—kabilang na ang karagdagang ?50 milyon na inilaan para sa pagsasaayos,” paliwanag ni Lacuna.

Idinagdag pa ng lady mayor na: ” Ibig sabihin, mali ang plano. Palpak, dahil minadali noong kasagsagan ng presidential election. Kung hindi naman popondohan ulit, magiging semento nalang ito habambuhay. Kung maayos lang sana ang lahat, nakatipid sana ang LGU at hindi nadoble ang gastos.”

Ayon kay Lacuna, kung hindi inaoura ang proyekto at sa halip ay ginawa ito alinsunod sa itibakdang rules and regulations ng DOH, hindi na sana kailangan pang gumastos muli ang local government unit.

“Ang pondo ng bayan ay dapat mapakinabangan ng taumbayan, hindi masayang sa mga proyektong hindi maayos ang pagkakagawa,” giit nito.



“Ang Corazon Aquino Hospital ay isa sanang mahalagang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng nasabing lugar. Patuloy natin itong isinasaayos ni upang sa wakas ay magamit ito, sa layunin nitong maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga nangangailangan,” pagtitiyak ni Lacuna. (ANDI GARCIA)