Advertisers

Advertisers

Anyare sa PNP?

0 9

Advertisers

ANYARE? Bakit hanggang ngayon yata ay wala tayong nababalitaan o naririnig mula sa Philippine National Police (PNP) sa pagtugis sa sindikatong binubuo ng mga Tsekwa mula Mainland China na nagsasagawa ng mga pangingidnap sa mga mayayamang Tsinoy sa ating bansa?

Ayon sa ating mga naririnig mula sa intel community, ang sindikato ay umuupa ng mga kriminal na pulis na malamang ay protektado ng mga bugok ding opisyales ng pulisya.

Ang huling naging biktima ng sindikato ay ang bilyonaryong negosyanteng Tsinoy na si Anson Que at kanyang driver na natagpuang malamig na mga bangkay sa isang bayan sa Rizal. Pinatay ang mga ito sa pamamagitan ng paglagay ng masking tape sa kanilang bibig at ilong.



Ayon sa balita, ang pamilya Que ay nagbigay ng P200 million ransom. Ibinigay daw ito sa isang casino sa first class hotel.

Maliban kay Que, isa pang bilyonaryong Tsinoy at kanyang driver ang dinukot/pinaslang noong Disyembre 2024. Nakapagbigaw din daw ito ng ransom money na US$600,000. Pinatay din sila sa pamamagitan ng paglagay ng tape sa ilong at bibig. Ibig sabihin ay iisa ang sindikatong gumawa nito sa kanila. Mismo!

Isa pang batang Chinese ang dinukot, posible ng parehong sindikato. Pero pinakawalan ito, yun nga lang pinutol ang isang daliri ng bata. Kaso ang driver nito ay pinatay. Lupet!

Ayon sa Filipino-Chinese community, marami pang kaso ng pagdukot sa mga mayayamang negosyanteng Fil-Chinese ang hindi naiulat dahil sa takot ng mga biktima. Kasi nga hindi naman sila nagagawang protektahan ng pulisya, sa halip ay napapahamak pa. Mismo!

Kamakailan lang, ang van ng Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP) ay tinambangan para sana agawin ang dalawang Chinese kidnappers na sakay ng van mula sa isang court hearing. Pero nagawang lumaban ng mga escort, BJMP personnel, at bumangga sa isang puno ang sasakyan ng mga kidnapper. Nahuli ang mga kidnapper na kinabibilangan ng 2 Chinese at 2 Pinoy, nakatakas ang dalawa pa, ng mga nagresponding SWAT mula sa Paranaque Police.



Inamin ng mga kidnaper na Pinoy na inupahan sila para sana agawin ang 2 Chinese na galing court hearing. Ang 2 Chinese na ito ay kasamahan ng naturang sindikato.

Pagkatapos ng pagpaslang kay Que at iba pang naturang biktima, wala na tayong narinig mula kay PNP Chief, General Rommel Marbil. Anyare, General?

Bakit hindi humingi ng tulong sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) o sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang PNP para malansag na ang Chinese syndicate na ito na peste sa Fil-Chinese businessmen?

General Marbil, Sir! Kilos!!!

***

Ayon! Nag-aplay si dating PCSO Manager at retired Police Colonel Royina Garma ng asylum sa Amerika, para siguro matakasan ang kanyang mga kasong kiakaharap dito sa Pinas?

Sabi ito ng kanyang abogado na si Emerito Quilang: “What I know is that the asylum was set for initial hearing on April 2 but it was canceled and there is no setting yet.”

Si Garma ay sekretong umalis sa Pilipinas noong Nobyembre 2024, matapos niyang ibunyag sa House Quad Comm inquiry ang tungkol sa Davao Death Squad (DDS) at reward system sa drug war noong termino ni dating Pangulo Rody Duterte.

Si Garma, ayon sa batikang kolumista na kaibigan ni Digong na si Ramon Tulfo, ay dyowa ng dating Pangulo. Kaya nga feeling reyna ito noon.

Naharang at nakulong si Garma sa US dahil sa kanselado niyang visa.

Si Garma, noong Pebrero, ay sinampahan ng reklamong murder at frustrated murder ng NBI at PNP dahil sa pagpatay sa PCSO Board secretary na si retired Police General Wesley Barayuga noong 2020.