Advertisers
DUMATING na sa bansa mula sa Cambodia para sa kanilang repatriation ang 10 Pilipino matapos na mabiktima ng mga pekeng job offers online.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga repatriates ay ligtas na nakauwi mula sa Oddar Meanchey Province sa hilagang-kanlurang bahagi ng Cambodia sa tulong ng mga otoridad sa naturang bansa at maging ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.
Sinabi ng ahensya, malinaw na ang mga Pilipino ay mga biktima ng human trafficking kaya naman nagpaalala rin ang ahensya na maging maingat sa pagaapply ng mga trabahong nakikita lamang online.
Dagdag pa ng DFA, palaging bukas ang kanilang tanggapan para magpahatid ng tulong at pangunahan ang isang Assistance-to-Nationals Service lalo na sa mga filipino online job seekers.
Samantala, nagpasalamat naman ang PH Embassy sa naging kilos at atensyon na ibinigay ng Royal Government ng Cambodia para sa mga Pilipinong ito upang makauwi ng Pilipinas ng ligtas.