Advertisers
Suportado ng TRABAHO Partylist ang kamakailang pag-apruba sa ?200 dagdag allowance para sa mga kasapi ng militar, ang kauna-unahang pagtaas sa loob ng isang dekada.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, magandang hakbang ang dagdag-allowance sa militar, ngunit ito ay nagpapatingkad din sa pangangailangang tugunan ang hindi pantay na pasahod sa ibang sektor.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “living wage” system, na magtitiyak na sapat ang kita ng mga manggagawa upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan, sa halip na umasa lamang sa umiiral na minimum wage standards.
Ngunit kasabay nito, iginiit ng grupo ang kahalagahan ng patas na dagdag-sahod para sa mga sibilyan, partikular ang panukalang ?200 dagdag sa daily minimum wage na naaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso, at inaasahang makikinabang dito ang humigit-kumulang limang milyong manggagawang minimum wage earner sa buong bansa.
Nanawagan ang TRABAHO Partylist na bigyang-priyoridad ang komprehensibong reporma sa sahod na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga manggagawa at ang katatagan ng mga negosyo.