Advertisers

Advertisers

KARAHASAN SA HALALAN SA BULACAN

0 852

Advertisers

Sadyang masalimuot ang laro ng pulitika sa bansa higit sa panahon ng halalan, sa lokal o sa pambansang antas. Mabigat ang laban sa halalan kung mga dating magkakampi ang naglalaban sa pwestong ibig higit ayaw magpatalo ang isa’t – isa. Karaniwan ang plastikan o orocan ng mga dating magkakalapit na maririnig na ang bwenas lang ang matatalo. Sa una, may kasunduan na walang pinagtatalunang pwestong at tila na ‘di kailangang isulat dahil batid ang dapat asahan sa bawat isa sa magaganap na halalan. Subalit sa paglipas ng panahon at dama ang sarap ng pwestong natanganan pagkakasundo’y ganap na napuputol sa paglihis ng landas ng ibig at tuunan ang pwestong asam ng kasangga. Hindi makitaan ng kagalingan ang sino mang tao o pulitiko na ‘di sumusunod sa kaayusan, ngunit ibang mangusap ang salapi na ang lahat ay nababali.

Sa lokal na halalan malaking usapin ang magkatunggali higit tahiran sa lokal na halalan. Ganap ang pagkakilala sa mga dating mga halal maging lahing dala na bentahe sa kalaban. Ito ang masakit na haharapin ng mga inaasam na dating kaalyado at lumihis ng landas dahil sa nalasap na sarap at ambisyong pansarili. Sa totoo lang, hindi usapin kung ang makakatungali’y bago at ibig magpakilala at maghatid ng mga bagong serbisyong bayan. Subalit ang magsabong ang mga dating mag-kakaalyado’y may kabigatan ‘di lang sa loob ng mga umaasang, maging sa mga kaibigan na nahahati sa ayuda sa gawaing halalan. Mabigat sa loob ng bawat panig ang mahati, higit maganda ang nakaraang ugnayan. At ‘dito pumasok ang maraming katanungan na bakit kailangang magkatunggali ng kaayusan na pinanday sa matagal na panahon.

Sa lalawigan ng Bulacan, nasilip ang bangit sa itaas na ang dating mga magkakaalyado’t tila magwawalay sa ngalan ng galawang politika. Sa isang Distrito Tres sa lalawigan, nabatid ang naganap na karahasan na nagbunga sa pagkasawi ng ilang mga tauhan ng isang tumatakbong kongresista. Sa pagkasawi ng ilang mga tagasuporta ng tumatakbong kinatawan, tila naputol ang ugnayan sa dating kasangga na inaakusang may kabatiran sa naganap na paslangan na inaalam ng mga pulis sa lalawigan higit ng CIDG ang pangyayari. Ang masakit, kasama ang kasalukuyang Mayor ng San Rafael bilang isa sa prominenteng pangalan na lumalabas sa pag-uusisa.



Sa panayam sa Kapihan sa QC, nabangit ng panauhin na si Vic Silverio, isang kandidato na tumatakbo bilang kinatawan ng 3rd Distrito ng Bulacan, prominenteng nababangit ang ngalan ng alkalde ng San Rafael na may kinalaman sa insidente ngunit walang tuwirang pagbabangit sa halip hinahayaan na ang mga pulis ang mag-ulat ng kanilang pag-uusisa. Samantala, nabangit ang ugnayan ng alkalde sa iba’t – ibang uri ng krimen sa lalawigan na sangkot sa iligal na pagkakaperahan, inaalam ng CIDG.

Sa totoo lang, ang banggit na alkalde ang makakalaban ni Silverio sa pagka-kongresista subalit ‘di ito ang isyu, ang managot ang may sala sa pagpaslang ng taga suporta ang ibig at ang malinis ang lalawigan sa mga salang gawa, Walang personalan, ngunit ang malaman ang puno’t dulo sa pagpaslang ang siyang pakay maging sino man gumawa, ang utak o nag-uutos. Ang pag-alam sa iba’t ibang kinapapaloobang salang gawa’y karagdagan para sa kalinisan ng lalawigan. Walang pagtutukoy ngunit malakas ang kutob sa kung sino ang may sala at hinahayaan ang kapulisan na tapusin ang gawain.

Sa kabila ng naganap na karahasan sa lalawigan, nabatid ang pagkalong ng alkalde ng San Rafael sa iligal na imbakan ng sigarilyo sa isang bayan sa lalawigan at ilang lungsod sa kalakalang Maynila. Dama ang lakas at impluwensya ng alkalde na dapat matigil para sa maayos at malinis na lalawigan. Ang masamang tagong gawa ang ibig wakasan ng Vic Silverio sa kadahilanang ibig ang pagbabago sa lalawigan. Sa totoo lang, ang pagiging bata ni Vic Silverio ang naibigan dahil puno ito ng ideyalismo na ibig mamalas sa susunod na panahon. Hindi makitaan si Vic Silverio ng kahinaan at higit na namalas ang mahusay na pananalita na ibig na makita sa gawa.

Si Vic Silverio ang batang anak ng kasalukuyang kinatawan na si Lorna Silverio na patapos na ang termino bilang kinatawan ng banggit na Distrito. Hindi ibig ng batang Silverio na matatakan ng bilang anak ng daynastiya sa halip bitbit ang programa na tao ang sentro ng pagbabago at ang ibig ipabatid sa mga nasa ikatlong distrito ng Lalawigan ng Bulacan. Ang layon na tuwirang mabatid ang ibig ng tao ang gagawin at ipapatupad sa Distrito maging sa lalawigan. Walang ibang ipamamalas kung hindi ang nagmula sa tao na sentro ng lideratong ibig. Walang tinatagong programa higit ang hinggil sa kaperahan, ang pagiging bukas sa mga nasasakupan.

Sa pagkakataon manalo, isa sa bitbit ni Vic Silverio ang kagalingan ng Kabataan higit ang programa ng edukasyon. Palalakasin ni Vic S. ang mga pamantasan sa lalawigan at ang pagkakaroon ng isang medical school sa lalawigan ng Bulacan. Malinaw ang tahakin ni Vic S. nakakagalak ng Bulakenyo higit ang pagpapalakas ng edukasyon. Ang kinabukasan ni Vic S. na makipag-ugnay sa kapwa na opisyal mula sa lokal at pambansang liderato’y tanggap para sa kagalingan ng lalawigan.



Kay Vic Silverio isusulong ang makabagong Bulacan na magiging sentro ng komersyo sa Gitnang Luzon at aalisin ang imahe ng karahasan sa nakaraan. Ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lalawigan maging sa pambansa ang gagawin ng maipasok ang mga proyekto na malaki ang pakinabang ng lalawigan. Sa inaasam na makabagong Bulacan, aalisin ang mga nakawan o korapsyon, magiging bukas sa mga transaksyong ilalatag at higit na didiinan ang pakinabang ng mamamayan sa lahat ng aspeto ng kabuhayan, higit ang kalusugan. Walang hindi pagagalawin hangang matamo na maging sentro ng komersyo ang Bulacan.

Subalit ‘di inaalis sa isip at puso ang mabigyan ng katarungan ang mga tagasunod na napaslang at ‘di bibitiwan hangang ‘di nakakamit ang katarungan na likha ng buktot ng lalawigan. Ang mahusay at malinis na paglilingkod ang isusulong na ‘di pagsisihan ng Bulakenyo. Ang pangako’y pangako ngunit ang panata sa sarili na magserbisyong may dignidad sa mga taga Bulacan ang gagawin para pakinabangan ng kasalukuyang taga Bulacan at ng salinlahi na babangit na nakataas noo na ako o siya’y isang Bulakenyo. Panghuli, umaasang malulutas at magwawakas ang karahasan sa bansa higit sa Lalawigan ng Bulakan.

Maraming Salamat po!!!!