Advertisers
Pinaalalahanan ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tropa ng 2nd Infantry Division (2ID) ng Philippine Army sa Rizal na maging handa sa pag-secure sa Metro Manila, ang nagsisilbi umanong “seat of government”.
Ginawa ni AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng ika-49 na anibersaryo ng 2ID sa Camp General Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng AFP chief na umaasa ang Sandatahang Lakas sa 2ID na susuportahan ang pwesto o kinaroroonan ng gobyerno at pananatilihin ang katatagan ng bansa.
Ipinaliwanag pa ni Gen. Brawner na ang 2ID ang malapit sa Metro Manila. Isa ito sa infantry divisions na reresponde sa mga banta gaya na lamang kung magka-giyera o destabilisasyon.
Hindi lang aniya ito paalala kundi panawagan din sa lahat ng mga sundalo na dapat magkaisa at laging maging propesyunal.
Ito ay sa gitna ng napakaraming problema ng ating bansa, hindi lamang internal security threats, kundi nariyan ang lawless elements at isyu sa West Philippine Sea.
Hindi lang aniya ito paalala kundi panawagan din sa lahat ng mga sundalo na dapat magkaisa at laging maging propesyunal.
Ito ay sa gitna ng napakaraming problema ng ating bansa, hindi lamang sa internal security threats, kundi nariyan ang lawless elements at isyu sa West Philippine Sea.
Isa nga ba itong ” loyalty check” sa kasundaluhan lalo na nga at maugong ang posibleng maganap na kudeta sa Sabado de Gloria o sa mismong Araw Ng Pagkabuhay ( Easter Sunday).
May mga intelligence informations hinggil sa posibleng pag- agaw ng poder ng pamahalaan mula sa di pa pinangalanang grupo.
Ang tanong,ito rin ba ang dahilan kung bakit umaabot ng mahigit 25,000 kapulisan ang idineploy ni PNP chief,General Rommel Marbil ngayong Semana Santa.
Ang kilos na ito ni AFP Chief of Staff Gen.Brawner ay posibleng base na rin sa intel info na nasagap ng ISAFP.
Paranoid na ba talaga itong sina Brawner at Marbil bilang desperadong hakbang ng mga to save Bongbong Marcos Jr. from presidency?
Kung totoo ito,anong puwersa ng kasundaluhan ang posibleng tumalikod sa chain of command?
Kung Philippine Army ang binigyan ng mahigit na tagubilin ni Brawner,posibleng magmumula sa ibang unit ng AFP ang pag- aaklas kung meron man.
Ang tanong, bakit takot at nangangamba itong si Brawner sa isang kudeta?
May basehan nga ba ang sapantahang ito ni Brawner o sadyang hindi na mapipigilang pangyayari ito na dulot na rin ng matinding korapsiyon at injustice na umiiral sa kasalukuyang rehimen na hinayaan lamang makapangyari ng mismong liderato ng AFP at PNP.
Takot nga ba si Brawner sa multong siya mismo ang gumawa at nag- alaga?
O surot na lamang ito ng sarili nitong konsensiya dahil sa katraydurang ginawa sa bayan at mamamayan?
May kasunod..
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com