Advertisers
Sino kaya ang Alas nitong si Pharmally Queen Rose Lin sa Commission on Election (Comelec) at hanggang sa ngayon ay malayang nakakapag file ng Candidacy kahit na sangkaterba ang kinakaharap na kaso.
Marami ang nagtatanong mga Ka Usapang HAUZ kung bakit tila walang pakialam si Comelec Chairman George Garcia sa mga kasong kinakaharap nitong si Rose Lin at hindi rin basta kaso kundi Susmaryosep sa bigat tulad ng droga.
Kung lahat siguro ng mga kaso na isusulat ng Usapang HAUZ ay malamang maubusan tayo ng espasyo dahil sa dami nitong kinasangkutang sindikato at hindi basta sindikato big time ika nga.
Kaya ang kasabihan na walang baho na hindi sisingaw, tulad na lang ng inilantad ng mga Mambabatas sa Mababang Kapulungan ang modus ng mga sindikato na nasa likod ng Pharmally, POGO at shabu nang i-presinta ng Quad-committee ng Kongreso ang criminal enterprise na pinamumunuan nila Michael Yang at Lin Weixiong alyas Allan Lim na asawa ni Dist. 5 Congressional Aspirant Rose Lin.
Kung bibigyan lang sana ng importansiya ng tanggapan ni Comelec Chairman Garcia ang mga pagdinig ng kongreso laban sa kinasasangkutang sindikato ni Lin ay maaring hindi na mabibigyan pa ito ng pagkakataon na makatakbo sa halalan.
Dapat ay disqualified na itong si Lin dahil, Ayon sa matrix na ipinakita ni Deputy Speaker Jayjay Suarez sa ika-pitong pagdinig ng pinagsama-samang komite ng Kamara, konektado ang pare-parehong tao na ginagamit ng sindikato.
Eto nga mga Ka Usapang HAUZ ang mainit na naging pahayag ni Cong. Suarez “The most obvious in these network of corporations by Allan Lim is his wife, Rose Nono Lin. Sinundan namin si Rose Lin at isa sya sa nagco-connect kay Allan Lim at kay Michael Yang. This is a known fact at makikita po natin na si Rose Nono Lin is an incorporator of at least eight companies where Michael Yang is involved,”
Kasama na dito sa mga kumpanya na dawit sa POGO at shabu ay ang Paili Estate Group, Paili Holdings, Philippine Full Win Group of Companies, at ang kanilang entry point sa POGO na Xionwei Technologies.
Lumabas din sa imbestigasyon na pareho ang service provider ng Xionwei at ang kontrobersyal na POGO ni Alice Guo na Baofu. “Brickhartz service provider and has the same address as Xionwei Technologies which is owned by Allan Lim. ‘Di ba kabit kabit na? Corporate documents of Brickhartz were found in the POGO raid in Bamban Tarlac. Itong Brickhartz na based in Cavite, bakit ang papel nito ay natagpuan at nahanap sa Bamban? Naglakad kaya ito o sumakay ng small boat papunta sa Bamban?,” dagdag ni Suarez.
Ayon naman kay Deputy Speaker Dong Gonzales, hindi lang ito sa POGO at Pharmally, may drugs pa. “The Allan Lim and Michael Yang group is linked to Golden Sun 999 which is significant because it connects us to Empire 999 na heavily involved sa mass land acquisition o pagkamkam ng mga ari-arian at sa iligal na droga. The connection lies to the interlocking directors and common incorporators, shareholders amongst these corporations, kasama na si Rose Lin.”
Gamit na gamit umano ng sindikato si Rose Lin dahil sa pagiging Pilipino na isang mahalagang elemento para maka-comply sa nationality requirement ng korporasyon. Halimbawa na rito ang ilan sa mga korporasyon na pagmamay-ari ni Allan Lim kung saan 60% ang shares ni Rose Lin.
Ani pa ni Suarez na ang mga negosyong itinatag nila Michael Yang at Allan Lim dito sa ating bansa ay palaging nasasangkot sa mga iligal na aktibidad. “Sila-sila rin ang mga pangalan na nasa Pharmally controversy kung saan maraming Pilipino ang napaluhod ng Covid-19. Pinagkakitaan po talaga ‘yan laban sa mamamayang Pilipino.”
Ito ang maganda mga Ka Usapang HAUZ nangako rin si Gonzales na hindi titigil ang Quadcomm “hanggang masisid at masimot natin ang lahat ukol sa sindikatong ito at kung paano nila nagawa ang pagsasamantala sa ating bansa. We will end their era.”
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036