Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
HOLY week na at tyempong birthday ng aming co- writer cum BFF Jobert Sucaldito kaya ang dalawang Kapatid, Kapamilya at Kapuso na Sina Fiery Sultry soul torch Diva at ang partner niya sa ODD vlog ay nagpahatid sa amin ng birthday wish kay Jobert.
Si Malu Barry ang unang humirit ng “happy birthday…thank you for your friendship…parang Kapamilya na kita…parang Ikaw BFF Mers…Hindi lang kaibigan kundi pamilya na”.
Si Direk Manansala Naman ay maganda rin ang birthday wish kay Jobert.
Sabi Niya…”Hi tita..
” Wish ko kay Nanay Jobert ay mas mahaba pang buhay.. He has been a blessing to many people.. His wit and compassionate heart has always been his gear in helping others… more more birthdays to him…
And hingi na rin ako ng video message para masurprise sya sa aming taping bukas
***
Reyna at Konsorte ng Santacruzan sa Binangonan
TAONG 2019 nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial.
Ngayong 2025, ang ika – 50th anniversary ng Grand Santacruzan sa Libid bilang pagdiriwang at pagbibigay parangal sa Mahal na Krus.
Pinangunahan ni Punong Barangay Gil “AGA” Anore, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Libid, ang unang meeting upang matiyak ang isang makulay at matagumpay na selebrasyon.
All out din ang suporta at present sa Meet The Press ng Santacruzan delegates ang tumatakbong Mayora ng Binangonan na si Ms. RHEA YNARES.