Advertisers

Advertisers

Halos 2k pulis, ide-deploy sa QC ngayong Semana Santa

0 16

Advertisers

KABUUANG 1,858 pulis ang ikakalat ng Quezon City Police District sa mga estratehikong lugar sa Quezon City ngayong Semana Santa.



Ayon kay QCPD District Director PBGen Melecio Buslig Jr partikular na tututukan ng pulisya ang mga simbahan, transportation hubs at terminals, commercial areas, border control points, law enforcement checkpoints at iba pang matataong lugar.

Magiging aktibo rin sa round-the-clock patrols sa recreational activities, tourist spots, parks, at residential communities ang Task Force District Anti-Crime Reaction Team , Bike Patrollers, Mobile at Motorcycle Units.

Sabi pa ni General Buslig na asahan na ng publiko ang paghihigpit sa mga checkpoint upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat.

Pinaalalahanan ng QCPD Chief ang publiko na manatiling alerto at ipaalam kaagad sa pulisya ang anumang lahina-hinalang aktibidad para sa kaukulang aksyon.

Maaari lamang nilang i-Dial ang QC helpline 122 o magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Binigyang diin ni PBGen Buslig, na panahon ng pagninilay at pagdarasal ang pagdaraos ng Semana Santa at tungkulin ng pulisya na protektahan ang publiko. (Ernie Dela Cruz/Almar Danguilan)