Advertisers

Advertisers

Ekis kay PBBM ang negatibong pangangampanya, fake news

0 5

Advertisers

Tablado sa Malacañang ang ‘Kulay ITIM’ na campaign ads ng presidential sister na si Senadora Imee Marcos, kung saan kasama rin dito si Vice President Sara Duterte.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi pinapansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga negatibong pangangampanya lalo na kung ang kaakibat nito ay fake news.

Ayon kay Castro, mismong ang Pangulo ang nagsabi na labanan ang fake news kaya dapat na maging maingat ang mga botante sa mga napapanood at nababasa mula sa mga kandidato para sa darating na eleksiyon.



“Hindi nais ng ating Pangulo ang mga ganitong klase ng pangangampanya, lalong-lalo na kung ito ay fake news,” ani Castro.

Tumanggi ring magkomento si Castro sa Kulay ITIM na campaign ads kaya ipapaubaya na lamang aniya sa campaign manager ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang pagsagot dito.

“Patungkol sa campaign issues, magandang tanungin na lamang natin ang campaign manager ng Alyansa,” dagdag ni Castro.

Matatandaang umalis ang Senadora sa Alyansa matapos ang ginawang pagpapaaresto ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at nagsarili na lamang sa kanyang pangangampanya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">