Advertisers

Advertisers

EJ Castillo mananateli sa EAC para sa NCAA Season 101

0 9

Advertisers

NANGAKO ang rising guard EJ Castillo na mananateli sa Emilio Aguinaldo College kapag nagsimula siya sa kanyang college journey sa NCAA Season 101.

Kinumpirma ng 19-year-old high school standout na mananateli siya na loyal sa eskuwelahan na nagbigay sa kanya ng basketball break.

“Ngayon blessed ako kasi makakabalik ako sa FilOil (EcoOil Centre). ‘Yung vibe dito alam ko na simula high school kaya hanggang sa college magiging comfortable na ako,” Wika ni Castillo sa GMA News Online.



[I’m blessed now because I can come back to FilOil. I know the vibe here since high school so until college, I’ll be comfortable.]

Castillo ay two-time Mythical Five member sa high school, kabilang sa Season 99 kung saan siya ang lumutang na top scorer para sa Brigadiers na may average na 22.6 points,7.33 rebounds,1.67 assists,1.33 steals,at 0.11 blocks. Siya rin ang pinangalanan na Most Improved Player sa parehong taon.

Muling umangat sa Brigadiers sa Season 100 matapos pomuste ng 18.89 markers,5.11 boards,3.44 dimes,1.67 steals, at 0.11 blocks at muntik nakapasok sa Final Four.

Bagamat siya ang tinuturing na top option sa high school squad, ang 6-foot-1 Castillo ay nangako na handang matuto sa kanyang seniors tulad ni Kyle Ochavo, Aldeo Lucero, Wilmmar Oftana, at Nico Quinal.

“Siguro gagawin ko lang talaga ‘yung role ko kasi rookie ako, wala pa naman akong dapat patunayan,” Sambit ng explosive shooting guard.