Advertisers

Advertisers

DQ case vs Vico Sotto ibinasura

0 21

Advertisers

Isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sinampahan siya ng petition for disqualification ni Pacifico “Curlee” Discaya II, asawa ng katunggali niya sa pagka-mayor na si Sarah Discaya, noong Enero 28 ngunit agad nabasura ng Commission on Elections (Comelec).

Nag-ugat ang petisyon sa sinabi ni Curlee na ang impormasyon tungkol sa St. Timothy ay “misinformation.”

“Sabi niya ‘misinformation’ daw yung sa St Timothy, kahit pareho naman kaming sinasabi ng Comelec Chairman na mismo,” ani Sotto.



Sinisisi rin daw siya ni Curlee sa mga post ng iba’t ibang tao sa social media.

“Sinisi niya rin ako sa mga post ng iba’t ibang tao sa social media—nagbabasa pala siya ng Reddit.

“Mabilis naman itong binasura ng Comelec pero nakakaloko langlang,” dagdag niya.

Kung tutuusin aniya ay siya pa ang may grounds para mag-file ng disqualification laban sa katunggali niya pero hindi raw niya ginawa.

“Dahil ginamit niya pa diumano ang kanyang British Passport ngayong 2025 lamang,” wika ni Sotto.



“Enero pa lang, nabalitaan ko na pati flight details, pero hindi ako nag-file ng petition. Bakit? Dahil ayokong may ma-disqualify sa kampo nila. Kailangan ipakita natin sa kanila na sa Pasig, naputol na natin ang siklo ng malaking gastusan pag eleksyon, traditional politics, at korapsyon.”

Sinabi rin niyang ibinahagi niya ang post dahil may karapatan ang publiko na malaman ang katotohanan.