Advertisers
DUMATING na sa Riyadh, Saudi Arabia, ang Cebuano boxer Bryx Piala at ang kanyang trainer, Eldo Cortes ng ARQ Boxing Stable, upang katawanin ang Pilipinas sa inaasahang World Boxing Council (WBC) Boxing Grand Prix na mag sisimula sa Abril 17.
Bryx, 23, ay nakababatang kapatid ni reigning WBO Oriental super featherweight champion Rodex Piala.
Sasabak siya sa featherweight division sa opening stage ng Grand Prix, na gaganapin sa BLVD City Global Theater sa Riyadh.
Sa tournament tampok ang 32 non-ranked boxers — wala sa kanila ang kasalukuyang top-15 ng kahit anong boxing sanctioned bodies. Sa featherweight field kabilang ang anim na boxers mula sa United States at lima mula sa Mexico, si Bryx lang ang nag-iisang kinatawan ng Filipino sa kanyang division.
Samantala, ang ibang boxers ay nagmula sa Ukraine, Colombia, Africa, France, Nigeria, Italy, Australia, at Kazakhstan.
Bryx ay kabilang sa four boxers na pinangalanan sa initial lineup, kasama ang kapwa Filipinos Jerald Into at Crisalito Beltran,na sasabak rin sa kanya-kanyang weight classes.
Sa kabila na nagdusa ng malaking pagkatalo sa Japanese via fourth-round knockout sa OPBF featherweight title bout nakaraang Setyembre,Bryx ay nanateling isa sa tinuturing na most promising young talents ng Cebu.
Kasalukuyang hawak niya ang professional record na 9 wins (3 by knockout) at 2 losses.
Ang southpaw na may tangkad na 5-foot-seven at 67.5 inch reach, ang batang Piala ay kilala sa kanyang technical,calculated fighting style.
Ang opisyal fight pairing para sa WBC Boxing Grand Prix ai inaasahan na ianunsyo sa susunod na araw.