Advertisers
Umarangkada sa nakuhang suporta ng publiko ang mga kandidatong kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa pinakabagong Pulse Asia senatorial preference survey na isinagawa mula Enero hanggang Marso 2025.
Ang pataas na trajectory ng tinaguriang ‘Duterte Ten’ o ‘Duter10’ ay sumasalamin sa matatag na lakas ng kanilang political coalition bago ang 2025 midterm elections.
Si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang nananatiling nangunguna sa mga kandidato, na mula sa 50.4% noong Enero at 58.1% noong Pebrero, ay umakyat pa 61.9% noong Marso. Nadagdagan ang kanyang puntos ng 11.5 sa loob ng tatlong buwan.
Nagpakita rin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng tuluy-tuloy na pagtaas, 41.2% noong Enero at 44.3% noong Pebrero, ay 48.7% na nitong Marso—kabuuang dagdag na 7.5 puntos.
Si Congressman Rodante Marcoleta ay tumaas mula 12.5% ??noong Enero, 16.1% noong Pebrero at naging 28.3% noong Marso, o 15.8-puntos na pagtalon.
Nagtala rin si Jimmy Bondoc ng pag-akyat mula 4.6%, naging 11.8% hanggang 20.4%.
Nagposte naman si Jayvee Hinlo ng kapansin-pansing pagtaas na 14.3 puntos, mula sa 1.2% noong Enero, 6.4% noong Pebrero at 15.5% noong Marso. Mahigpit na sumunod si Raul Lambino na tumaas mula 1.4%, 7.0% hanggang 15.2%—o 13.8 kabuuang puntos.
Si Phillip Salvador ay umakyat din mula 18.4% noong Enero, 20.7% noong Pebrero at 30.9% nitong Marso, o pagtaas ng 12.5 puntos sa kabuuan. Lumobo rin nang 12.2 ang puntos ni Victor Rodriguez, mula 3.6%, 8.7% hanggang 15.8%.
Mula 3.0% noong Enero hanggang 6.8% noong Pebrero at 11.4% noong Marso, nakahamig din si Pastor Apollo Quiboloy ng 8.4-puntos na pagtaas. Nagpakita rin ng paglago si Doc Marites Mata, mula 0.5%, 2.6% hanggang 8.7%, sa taglay na 8.2-point gain.
Sa pag-angat ng mga numero, ang Duterte-backed slate ay maaaring gumanap ng mahalagang papel sa paghubog ng susunod na komposisyon sa Senado. Kaya naman lubos na nagpasalamat si Go, hindi lamang sa suporta ng publiko sa kanyang kandidatura, kundi pati na rin sa suporta sa mga kasama niya sa Duterte ticket.
“Isang buwan na po ang nakalipas mula ng pilit na inilayo sa atin si Tatay Digong noong March 11. Nakakalungkot po ngunit kahit papano ramdam po namin na hindi kami nag-iisa sa laban na ito,” ang sabi ni Go.
“Sa huli, kahit dinala siya sa ibang bansa, naniniwala po ako na Pilipino pa rin talaga ang huhusga sa tunay na nagawa ni Tatay Digong para sa ating bansa at sa ating mga anak.”
Dahil dito, hinimok ni Go ang mga tagasuporta na magkaisa at mag-rally sa likod ng mga kandidatong lumalaban para sa layunin ni Duterte. Binanggit niya na sa kabila ng sitwasyon, hindi dapat masayang ang mga sakripisyo ni Duterte para sa bansa.
“Suportahan natin ang mga kandidatong magtutuloy ng laban. ‘Yung mga uunahin ang kapakanan ng mga mahihirap at ang interes ng bayan. ‘Yan ang magdadala ng laban pabalik sa loob ng Senado,” idiniin ni Go.