Advertisers

Advertisers

United Muslim Community inendorso si Mayor Honey, VM Yul, Cong. Chua at buong tiket

0 40

Advertisers

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna sa United Muslim Community (UMC) na binubuo ng iba’t-ibang grupo ng mga Muslim sa Maynila, sa kanilang pag-endorso sa kandidatura ng alkalde at ito ay dahil sa kung paano sila inalagaan ng punong ehekutibo ng lungsod.

“Maraming salamat sa mga opisyal at miyembro ng United Muslim Community sa Lungsod ng Maynila sa inyong mainit na suporta at pagtitiwala na ipinahayag ninyo sa akin at sa buong Asenso Manileño,” saad ni Lacuna.

“Ang inyong suporta ay nagsisilbing inspirasyon at lakas upang lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo at pagtupad sa aming mga pangako para sa mas maunlad, mas inklusibo, at makatarungang Maynila. Makakaasa po kayo na hindi ko kayo bibiguin. Patuloy po tayong magtutulungan para sa ikabubuti ng lahat,” pagtitiyak pa ng lady mayor.



Opisyal na tinanggap ni Lacuna at ng kanyang mga ka-partido sa pangunguna ng kanyang Vice Mayor Yul Servo at third district Congressman Joel Chua ang pag-endorso ng UMC sa isang jampacked rally na ginanap sa Quiapo, kung saan naka-base ang karamihan ng Muslim community members.

Sa nasabing pagtitipon ay isa-isang sinabi ng mga Muslim leaders ang dahilan kung bakit nila susuportahan si Lacuna gayundin ang buong tiket nito.

Matatandaan na noong 2022, ang buong Muslim community ay sinuportahan din si Lacuna at Servo pati na ang buong team.

Ang nasabing Manila-based Muslims’ groups ay nanumpa din kay Lacuna sa Manila Muslim Pledge of Loyalty event na ginanap sa Quiapo.

“Maraming, maraming maraming salamat sa ating mga kapatid na Muslim, sa inyong muling pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,”
pahayag ng alkalde sa pormalisasyon ng pangako ng mga kapatid na mga Muslim itutuloy ang kanilang suporta kay Lacuna at Servo.



Sa pangunguna ni barangay chairman Omaiya Sharief and Council at barangay chairman Sultan Suharto Buleg Al-Hajj, sinabi ng Muslim community leaders na ang mga residente ng Maynila ay nasa mabuting kamay dahil ‘di lamang sila may masipag na alkalde, higit sa lahat isang doktor na naiintindihan ang pangangailangan ng Manileño pagdating sa pangangalaga sa kalusugan.

“Sa abot ng aming makakaya, kami ay magbibigay ng walang kapantay na suporta…napakaganda ng ginagawang paglilingkod ng ating mayora… mayroon na tayong mayor mayroon pa tayong doktora na bukod sa naglilingkod ay nanggagamot sa mga maysakit nang walang hinihinging kapalit. ‘Yan ang tunay na lingkod ng bayan,” sabi pa ng mga ito. (ANDI GARCIA)