Advertisers

Advertisers

TIEZA, Pinarangalan ang mga Bayani ng Digmaan sa Mt. Samat Shrine sa Bataan

0 13

Advertisers

Sa paggunita ng ika-83 taon ng Araw ng Kagitingan, ipinagmamalaki ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone (MS-FTEZ), ang opisyal na pagpapakilala ng bagong gawang Underground Museum sa Mt. Samat National Shrine. Pinangunahan mismo ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang pagbisita sa Bataan Legacy Underground Museum noong Abril 9, 2025—isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili at pagsariwa ng ating pambansang kasaysayan.

Itinayo noong Abril 9, 1970 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., ang Mt. Samat Shrine ay patuloy na sumisimbolo sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino. Sa ilalim ng MS-FTEZ ng TIEZA, binigyang-buhay ang makasaysayang museong ito gamit ang makabagong teknolohiya upang mas mailapit ang kasaysayan sa bawat bisita.

Tema: “The Legacy of Bataan and Its Heroes”
Sa bagong mukha ng museyo, tampok ang siyam (9) na konektadong exhibit tulad ng Bataan as a Battlefield, War Heroes, The Fall of Bataan, at Heroism in Bataan. May mga interactive displays, virtual at augmented reality, holographic visuals, at iba pang makabago at nakaka-engganyong teknolohiya para sa mas malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng World War II at kabayanihan ng mga Pilipino.



Ayon kay Atty. Francis Theodore Initorio, MS-FTEZ Administrator:

“Hindi lamang ito simpleng pagkwento ng kasaysayan—ito ay muling paggising sa ating pambansang kamalayan.”

Magbubukas muli ang museyo sa publiko ngayong Hunyo 2025.