Advertisers
Sugatan ang isang reelectionist board member at driver nang tambangan ng hindi pa nakikilala ang mga salarin sa Brgy. Kiteb, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng hapon, April 13, 2025.
Sa ulat, ligtas at walang sugat si Maguindanao del Sur First District reelectionist Board Member Datu Baba Omar pero nahagip ng mga tama ng bala at ginagamot pa sa ospital ang kanyang driver na hindi pa tinutukoy.
Sa report, tadtad ng bala ang windshield ng sasakyan ni Omar na may plakang NGC 6760.
Ayon sa imbestigasyon, patungo si Omar sa Datu Odin Sinsuat lulan ng itim na Toyota Innova na minamaneho ng kanyang driver nang tambangan sila ng mga suspek sa boundary ng Datu Odin sa Maguindanao del Norte at Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao del Sur 3:00 ng tanghali.
SInabi ni Maguindanao Board Member Taharudin Frank Mlok na galing sa proclamation rally ng Team Agila political party sa Datu Piang ang biktima nang tangkain itong itumba.
Samantala, kahit sugatan pinilit ng driver na makarating sa Community Police Assistance Center (COMPAC) checkpoint sa kahabaan ng Datu Odin Sinsuat at Datu Anggal Midtimbang para magpasaklolo.
Ang Team Aguila ang local political group na dating ni TESDA Director Gen. Suharto Teng Mangudadatu na tumatakbong gobernador sa Maguindanao del Norte.
Naka-alyansa ito sa Bangsamoro Grand Coalition na political party sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Magkatuwang na inaalam pa ng mga intelligence agents ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army at ng mga imbestigador ng Datu Anggal Midtimbang ang mga nag-ambush kina Omar upang masampahan ng mga kaukulang kasi.
Sugatan ang isang reelectionist board member at driver nang tambangan ng hindi pa nakikilala ang mga salarin sa Brgy. Kiteb, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng hapin, April 13, 2025.