Advertisers

Advertisers

Nuggets, wagi kontra Grizzlies

0 5

Advertisers

LALONG tumibay ang tsansa ng Denver Nuggets sa playoffs matapos ang 117-109 wagi laban sa Memphis Grizzlies, sa tulong ng makasaysayang triple-double mula kay Nikola Jokic.

Nagtala si Jokic ng 26 points, 16 rebounds, at 13 assists —ang kanyang ika-34 na triple-double ngayong season.

Siya ngayon ang ikatlong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagtapos ng regular season na may average na triple-double.



Ito ang pangalawang sunod na panalo ng Nuggets sa ilalim ng interim coach na si David Adelman, na pumalit kay Michael Malone matapos itong tanggalin kasunod ng apat na sunod na talo. Si Malone ang naghatid sa Denver sa kanilang kauna-unahang NBA championship noong 2023.

Bumida rin si Aaron Gordon na may 33 points, habang si Jamal Murray, na kagagaling lamang sa injury, ay nag-ambag ng 15 points at 7 assists.

Sa kabilang banda, sinelyuhan naman ng Los Angeles Lakers ang ikatlong puwesto sa Western Conference matapos ang 140-109 panalo laban sa Houston Rockets.

Samantala, nanatili sa puwesto ang Oklahoma City Thunder matapos durugin ang Utah Jazz, 145-111.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">