Advertisers

Advertisers

NU swak sa semis; La Salle nasupil ‘ang UP para sa huling Final 4 seat

0 6

Advertisers

PINADAPA ng National University ang Ateneo de Manila University, 30-28, 25-23, 25-16, Linggo para masiguro ang twice-to-beat semifinal incentive sa UAAP Season 87 men’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Michaelo Buddin nagtapos ng 15 points, 10 attacks, three blocks at two aces), eight receptions at seven digs upang pamunuan ang Bulldogs na makamit ang kanilang ikalimang sunod na tagumpay.

Ang NU ay nanateli sa No.2 spot na may 11-2 rekord, sa likuran ng Far Eastern University (12-1).



Team captain Leo Aringo Jr. nagdagdag ng 12 points, 11 on attacks, Jan Lanfred Abanilla may 11 points; at Congolese middle blocker Obed Mukaba at Choi Diao nag-ambag ng tig- five points.

Kennedy Batas pinamunuan ang Ateneo sa iniskor na 12 points, habang si Amil Pacinio at Jian Matthew Salarzon umiskor ng 11 at 10 points,ayon sa pagkakasunod.

Sa ibang laro, naungusan ng De La Salle University ang hirap na University of the Philippines squad, 11-25, 25-18, 25-21, 28-30, 15-9, para makamit ang huling semifinal slot.

Noel Michael Kampton nagdeliver ng 24 points, kabilang ang game-winning crosscourt attack para sa La Salle na umangat sa 8-4 para makasalo sa third place ang University of Santo Tomas.

Glen Rui Ventura bumakas ng 16 points habang Season 86 2nd Best Middle Blocker Nathaniel del Pilar nagdagdag ng 11 points on eight attacks at three blocks.



Ang liga ay magpapahinga sa Holy Week at babalik sa Abril 23, magtatagpo ang UST at UP alas 9 ng umaga at La Salle makakaharap ang Adamson University alas 11 ng umaga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maglalaban ang NU at UST sa Abril 27 sa Araneta Coliseum.