Advertisers

Advertisers

Mga batas para senior citizens, inuupuan sa Senado

0 52

Advertisers

Palapit nang palapit na ang halalan, 27-araw na lamang at mapapakinggang na ang boses ng milyon-milyong Pilipino (kabilang dito ang milyong senior citizen) sa kung sino ang kanilang pinagkakatiwalaan na makatutulong sa bansa partikular na para sa mamamayan.

Sa gaganapin botohan sa Mayo 12 (2025), kabilang sa pagbobotohan ay pagkasenador – mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Siyempre, nandyan din ang para sa lokal.

Kahapon, mayroon tayong nahagip na bad news sa isang media forum, “Bakit sa Kongreso” na ginaganap tuwing Lunes sa Tribute Hotel sa Quezon City.



Bad news para sa milyong senior citizen…at sa mga malapit ng magiging dual citizen. Ano iyong bad news? Tandaan niyo ito ha mga lolo’t lola o atin mga mahal na senior citizen.

Alam niyo ba na marami na palang panukalang batas na ipinanukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan ang makikinabang dito sana ay ang mga mahal natin senior citizen. Ganun ba?

Katunayan, mayroon nang siyam na panukalang batas ang aprubado sa mga Kongresista pero pagdating sa Senado ay ‘binabaril’ ito o kung hindi man ay binabalewala o inuupuan lang ng komite na nakaatan para dito.

Kung baga, ginagawa ng grupo ng Senior Citizen Partylist sa pangunguna ni Cong. Rodolfo “Ompong” M. Ordanes ang lahat at naaprubahan sa House of Representative ang mga panukalan pero hayun, pagdating sa Senado. Bokya ang resulta dahil sa inuupuan ang mga panukalang batas ng partylist.

Yes, iyan ang ibinunyag ni Cong. Ordanes sa forum, kasabay ng pagsasabing – ang nangyayari tuloy… siya o ang partylist ang nasisita na tila’y walang ginagawa pero ang totoo naman pala ay tinatrabaho ng partylist ang lahat kaya aprubado sa mga Kongresista pero iyon na nga, inuupuan sa Senado..



“Yun sama ng loob, hindi ko personal, kundi lahat ng senior citizens na umaasam-asam na maisabatas ang mga ito,” paghayag ni Ordanes.

Ang mga panukalang batas na ipinakula at iinuupuan sa Senado ayon kay Ordanes ay ang Universal Pension Act, pagbibigay ng buwanang pensyon na P1,000 sa lahat ng senior citizens, National Geriatric Health Act- paglalagay ng mga pasilidad sa nga ospital na ang prayoridad ay mga senior; early voting rights, at Comprehensive Senior Citizens Welfare Act. Ilan lang ito sa batas na ipinanukala.

“HB (House Bill) 7298, expanding the 20 percent discounts of senior citizens to medicines will include vitamins, minerals and supplements. Our elders are already in their twilight, they should not feel taken for granted by the goverment,” pagdidiin ni Ordanes.

Heto ang masaklap nito – dahil nga sa inupuan ang mga nabanggit na panukalang batas ng kasalukuyang lidetaro ng Senado, ito ay uulitin na naman pala sa susunod na pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo matapos ang eleksyon sa Mayo 12. Oo uulitin ang lahat – ipapanukala ulit ito ni Ordanes sa kapwa niyang mga Kongresista.

“Back to square one lahat yan. Uulit uli. The Universal Pension Act matagal nang inaasahan ng karamihan (senior citizens) yan. More than a decade sa House yan. Tapos na ang trabaho namin (in Congress). Nakipag-ugnayan kami ng maayos sa Senado. Tapos nabale-wala lang lahat,” paglilinaw ni Ordanes.

Ganun pala iyon, back to zero ang lahat sa susunod na pagbubukas ng Kongreso. Kawawang mga senior citizen – tila’y tablado sa Senado. Palibhasa siguro mayroon sila kahit senior na, hayun tila’y walang pakialam sa mga senior. Well, hindi naman lahat ng Senador ay walang pakialam sa magiging benepisyo ng senior citizen.

Kaya sa mga senior citizens, alam na this ha…sa Senado nauupuan ang mga panukalang batas ng partylist para sa inyo. So, piliin mabuti kung sino ang dapat na iboto sa mga pagkasenador. Piliin niyo iyong may totoong puso sa mga senior.