Advertisers
Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Bulacan District Office ang Mayor ng Bulacan Provincial Jail at isang Jailguard habang sakay ng pribado nitong sasakayan sa sa Purok 3 Brgy. Dakila, Malolos City.
Sa report na tinanggap ni PRO 3 Director BGen. Jean S. Fajardo kinilala ang suspek na si alyas Abdua, 46 dating pulis na nakatalaga sa SWAT, na nakulong sa kasong Murder, at ang pangalawa nitong asawa alyas Sarah 41-anyos; at isang PDL na si alyas Mario 47, Chairman ng Sputnik Gang, na sangkot sa kasong Homicide; alyas Teejay, 25-anyos, Jailguard ng Bulacan Provincial Jail.
Nabatid na sakay ng Toyota Hilux na kulay Pula na may plakang DBP-4088, nang masabat ng mga tauhan ng CIDG hapon ng Abril 13, 2025 sa nabangit na lungsod, kung saan nakuha sa kanyang ang isang cal.45 at cal.9MM na baril.
Sinikap ng pahayagang ito na makuha ang panig ni Ret. Col.Rizalino Andya, na siyang pansamantalang nangangasiwa sa panlalawigang piitan ng probinsya.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa CIDG Detention cell, habang inihahanda ang patong-patong na kaso. (Thony D. Arcenal)