Advertisers

Advertisers

LAKAS NI CONG. ATTY. NOGRALES SA HOUSE TO HOUSE, HUGOT SA SUPORTA NG MGA SENIOR CITIZEN AT MONTALBEÑO!

0 14

Advertisers

HINDI alintana ni Montalban 4th District Congressman Atty. Fidel Nograles ang hirap, pagod at init ng araw sa house to house campaign sa Brgy. Mangahan at Brgy., Burgos, Montalban, Rizal.

Sa panayam kay Cong. Atty. Nograles nitong Abril 9, humuhugot umano s’ya ng lakas at inspirasyon sa suportang ipinakikita ng mga senior Citizens, estudyante, kababaihan at mga Montalbeño.

Alas -3:00 ng hapon ng simulan ang house to house ng kongresista kasama ang libong mga taga-suporta mula Rural Bank sa Brgy. Manggahan hanggang sa Montaña, na Inabot na ng gabi.



Hindi rin nagpatinag ang libong supporter’s ni Cong. Atty. Nograles sa nakahandang tow truck ng lokal na pamahalaan at malalakas na tugtog ng campaign jingle ng kalaban ng kongresista sa 2025 eleksyon.

Nabatid din ng sumulat nito na ang drayber ng sasakyan sa campaign jingle ni Tom Hernandez ay walang lisensya.

Ito’y matapos makasagi ng isang kotse at nang kausapin ng may-ari ng kotse alibay ng driver naiwan ang lisensya.

Habang naglabasan naman sa kanya-kanyang bahay ang mga residente at mainit na tinanggap ang kongresista, photo opss dito, kamay doon at ang di matinag na hiyawang, Cong. Nograles kami.

Nais ng mga Montalbeño na matapos ng kongresista ang kanyang ikatlong termino para ipagpatoy umano nito ang walang kaparehong serbisyo publiko.



Nagpasalamat din ang kongresista sa mga senior citizen, estudyante, kababaihan mga drayber at residente kasabay ng pangako na ipaglalaban nito ang kapakanan ng mga Montalbeño hanggang sa huling termino nito sa kongreso.

Maging ang mga proyektong imprastraktura, mga tulong pinansyal, medical assistant at matrikula ng mga estudyante na nais makatapos ng pag-aaral.